GMA Logo raising mamay characters
What's on TV

'Raising Mamay' viewers, nagbigay ng opinyon tungkol kina Letty at Sylvia

By Jansen Ramos
Published July 4, 2022 4:34 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Magna Carta of Filipino Seafarers: What It Means for Those Who Live Life at Sea
US State Department expands visa restriction policy in Western Hemisphere
GMA Kapuso Foundation, namahagi ng tulong sa mga apektado ng mahal na langis sa Mt. Province sa ilalim ng Operation Bayanihan Project | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

raising mamay characters


Ipinahayag ng ilang avid viewers ng GMA Afternoon Prime series na 'Raising Mamay' ang kanilang opinyon kung dapat bang i-share ni Letty si Abigail sa biological mom nitong si Sylvia.

Nakakuha ng magagandang opinyon ang engagement post ng GMA noong June 30 para sa pinag-uusapang drama sa hapon na Raising Mamay tungkol sa mga karakter nitong sina Letty (Aiai Delas Alas) at Sylvia (Valerie Concepcion).

Sa post, hiningan namin ng pahayag ang netizens kung "dapat bang i-share ni Mamay si Abi kay Sylvia?" Si Abi o Abigail ay tunay na anak ni Sylvia pero ang nagpalaki rito ay si Letty, na "Mamay" kung tawagin ng dalagita.

Parehong nasa poder ni Sylvia sina Abi at Mamay nang kupkupin niya ang mga ito matapos niyang malamang tunay niyang anak si Abi. Hindi rin pinabayaan ni Sylvia ang nagpalaki rito na si Letty dahil ito ay may age regression na dulot ng aksidenteng pamamaril sa ulo nito na, coincidentally, kagagawan ni Sylvia.

Para sa Facebook user na si Jessica Portillo, hindi dapat ipagdamot ni Letty si Abi kay Sylvia. Gayunpaman, may hangganan dapat ito.

Aniya, "For me may karapatan si Sylvia pero wala siyang karapatan mag mando ng buhay ni Abi, puwedeng present lang siya pero hindi siya magdedesisyon kasi si Letty ang nagpalaki kay Abi."

Sa komento ni Novie Pepito Pitogo, dapat pagbigyan ang dalawang ina magkaiba man sila ng pinagdaanan--si Letty na nagpalaki kay Abi at si Sylvia na nangulila sa anak at handang bumawi.

Bahagi niya, "Well Sylvia also is a mother of abigail so mas masaya Kung dalawa ang INA niya... Pag uusapan lang ng maayos at humingi ng tawad baka maayos pa huwag pairalin ang pride dahil baka sa huli magsisisi..

"Share lang dahil c Sylvia ang biological mother at c mamay kahit di kadugo n abi tinuring pa rin niyang tunay na anak... Kahit na c Sylvia ay masama sa kanila well she admit it , she admit her mistakes but not all of her mistakes but then matagal na nangungulila at naghahanap sa anak niya c Sylvia and her she comes..

"Dahil ang pagiging ina Hindi nasusukat sa dugo o kung ano pa man....ang INA ang siyang nagmamahal, nag aalaga , at gumagabay sa anak..yong handa gawin lahat para sa anak kahit pa ibuwis ang sarioing buhay ..kaya kayo mga anak be thankful for your parents."

Samantala, iba naman ang opinyon ng Facebook user na si Maria Fe Santos. Sa palagay niya, walang karapatan si Sylvia kay Abi.

Ika niya, "No way...si mamay ang nag alaga at nagmahal ng totoo ke abi..kaya wala cya karapatan."

Kinontra naman ito ng isa pang Facebook user na nagngangalang Shanel Kate.

Tugon niya, "Well Sylvia carried Abigail for 9 months at Hindi madali manganak tsaka it's not her fault naman kung bakit Sila nag kahiwalay ni Abigail and matagal narin syang nangulila sa paghahanap sa anak niya(Abigail),deserve ni Sylvia Ang dauther's Love. (No hate)"

Anuman ang kahihinatnan ng sitwasyon, maghananap at maghahanap daw ang isang anak ng pagmamahal mula sa kanyang biological mother, ayon sa commenter na si Grimoire Pamet.

Katwiran niya, "On a legal basis, yes. Bigyan man ng sapat o sobrang pagmamahal ang isang anak, maghahanap pa rin yan ng pagmamahal sa tunay niyang magulang."

Patuloy na subaybayan ang mga tumitinding eksena sa Raising Mamay mula Lunes hanggang Biyernes, 3:25 ng hapon sa GMA.

Mapapanood din ang full episodes ng serye sa GMANetwork.com o GMA Network app.

Pinapaiyak man ng bidang si Aiai Delas Alas ang mga manonood, kabaliktaran naman ito ng mga mangyayari sa likod ng camera.

Tingnan ang masayang set ng Raising Mamay rito: