
Isa si Ralph De Leon sa Star Magic artists na dumalo sa highly anticipated event na GMA Gala.
Related gallery: Meet PBB Celebrity Collab Edition housemate Ralph De Leon
Bago ang magsimula ang event, ilang photos ang inupload ni Ralph sa kaniyang Instagram account, kung saan ibinida niya ang kaniyang look para rito.
Tampok sa black and white photos ang serious poses at looks ni Ralph suot ang kaniyang stylish suit.
Paglalarawan niya sa kanyang sarili at outfit, “In motion. On a mission. #GMAGala2025.”
Sa comments section, mababasa ang short ngunit makulit na comment ng Sparkle star na si Charlie Fleming sa photos ni Ralph.
Matatandaang nagkasama noon sina Ralph at Charlie sa loob ng Bahay Ni Kuya bilang housemates sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.
Si Ralph ang final duo ng Sparkle star na si Will Ashley sa nabanggit na teleserye ng totoong buhay ng mga sikat.
Nakilala sila bilang duo na RaWi, at sila ang itinanghal na Second Big Placer Duo sa reality competition, na isa sa mga big collaboration projects ng GMA at ABS-CBN.