GMA Logo Ralph de Leon and Jake Cuenca in Your Honor
Source: Your Honor, ralph_dl (IG) & juancarloscuenca (IG)
What's on TV

Ralph de Leon, may parte ng katawan na kapareha kay Jake Cuenca?

By Aedrianne Acar
Published July 20, 2025 11:26 AM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Wizards have rare showing on defense in win over Pacers
Visually impaired soldier promoted from captain to major

Article Inside Page


Showbiz News

Ralph de Leon and Jake Cuenca in Your Honor


Alamin ang sagot ni Ralph de Leon sa tanong ni Buboy Villar na "Makinis din ba puwet mo parang [si Jake Cuenca]?”

Ang Pinoy Big Brother housemate na si Ralph de Leon, kamag-anak ng isang Encantadia actor!

Naging resource person nina Chariz Solomon at Buboy Villar sa Your Honor ngayong Sabado ng gabi (July 19) ang PBB Second Big Placer na sina Will Ashley at Ralph de Leon.

Sa pagsalang ng RaWi sa YouLOL Originals vodcast, ibinahagi ni Ralph sa House of Honorables na pinsan niya sa father side ang former Encantadia actor na si Jake Cuenca. Gumanap noon bilang Kahlil si Jake sa 2005 version ng hit Kapuso telefantasya series.

Nang malaman ito ni Buboy, may mapangahas na tanong ito bigla sa PBB heartthrob: “Wow! Kaya naman pala. Makinis din ba...puwet mo parang [si Jake Cuenca]?”

Matatandaang naging usap-usapan ang butt exposure noon ni Jake Cuenca nang rumampa sa fashion event ng isang clothing brand.

Tugon naman ni Ralph sa tanong ni Vice Chair, “Kung gaano kanis yung kutis ko sa mukha ko, 'yun din 'yun.”

Naging diretsahan naman ang sagot ni Ralph kay Madam Cha (Chariz Solomon) sa tanong nito kung ano'ng age niya na-realize na 'certified guwapo' siya.

Pagbabalik-tanaw ng Star Magic talent, “Parang na-realize ko na lang din 'yun sa sarili ko nung bandang high school na. Kasi, mataba ako nung bata ako e. Mataba ako, tapos biglang nag-judo ako, tapos pumayat. Tapos bumatak, tapos sabi ko, 'Parang umookay, okay na ako ah.' Umaarangkada na sa buhay kumbaga.”

Balikan ang funny moments ng Team RaWi sa Your Honor sa video below:

RELATED CONTENT: 'Mr. Green Flag' Ralph de Leon's eye-catching photos