
Kahit nakalabas na at nakabalik sa Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition, hindi naniniwala si Ralph De Leon na nakakuha siya ng advantage, gaya ng mga akusasyon sa kaniya online.
Sa pagbisita nila ng ka-duo niyang si Will Ashley sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwebes, July 10, sinagot ni Ralph ang akusasyong ito.
“For me po talaga, knowing those things na I learned outside, parang hindi po talaga siya naging advantage. Actually, mas naging burden pa nga siya,” ani Ralph.
Paliwanag ng Kapamilya actor, naging pasanin pa sa kaniya ang mga nalaman niya sa outside world dahil gusto niyang ibahagi ito sa kapwa housemates pagbalik sa loob, na hindi niya maaaring gawin.
“Especially when it comes to mga worries nila about their reputation, about how the outside world is receiving them. So for me, that's something that I have to keep in for the rest of my journey po talaga,” sabi ni Ralph.
TINGNAN ANG ILANG EYE-CATCHING PHOTOS NI RALPH SA GALLERY NA ITO:
Matatandaan na unang lumabas si Ralph, kasama ang dating ka-duo na si Josh Ford, noong May 10 eviction night. Kasama nilang nominado noon ang duo nina Shuvee Etrata at Bianca De Vera, na unang naligtas; at nina Xyriel Manabat at Dustin Yu.
Ngunit noong May 11, inanunsyo din na may pagkakataon makabalik sa loob ng Bahay ni Kuya ang ilan sa evicted housemates, kabilang na sina Ralph, Josh, Ashley Ortega, Charlie Fleming, AC Bonifacio, at Kira Balinger.
Noong May 18, nakabalik sa loob ng Bahay ni Kuya sina Ralph at Charlie upang muling sumabak sa laban para maging Big Winners.
Panoorin ang full episode ng Fast Talk With Boy Abunda rito: