
Maraming kinilig sa piano cover ni Ralph de Leon ng kantang "Hanggang Kailan."
Sa kanyang Instagram video, mapapanood ng dating Pinoy Big Brother housemate na tinutugtog sa piano ang chorus ng kantang pinasikat ng OPM band na Orange and Lemons.
Kaya naman napatanong ang fellow Pinoy Big Brother contestant na si Josh Ford sa comment section na, “Para kanino yan bro?.”
Nag-react din sa piano cover ni Ralph sina Kira Balinger at Klarisse de Guzman. Habang si Rita Daniela ay tila nag-aya ng collab sa kanyang comment na, "Kantahan na natin yan!"
Source: ralph_dl (IG)
Si Ralph ang naging huling ka-duo ni Will Ashley sa katatapos lamang na Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.
RELATED CONTENT: 'Mr. Green Flag' Ralph de Leon's eye-catching photos