GMA Logo Randy Santiago
Source: gmanetwork/YT
What's on TV

Randy Santiago, masasabing 'maganda ang performance' bilang asawa at ama

By Kristian Eric Javier
Published April 5, 2024 10:00 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Alex Eala’s clay-court swing: Upcoming tournaments, schedule, and season recap
Healers, herbalists gather in Siquijor anew for healing festival
How the latest smartphones are embracing the beauty of the unfiltered journey

Article Inside Page


Showbiz News

Randy Santiago


Para kay Randy Santiago, maganda naman ang naging "performance" niya bilang asawa at ama. Alamin dito.

Para sa actor at singer na si Randy Santiago, maganda ang naging performance niya bilang isang asawa at ama sa kaniyang mga anak sa kabila ng kaniyang pagiging artista.

Sa guesting ni Randy sa Fast Talk with Boy Abunda ngayong Huwebes, Abril 4, sinabi niyang malaking tulong na hindi artista ang asawa niyang si Marilou Coronel kaya na-handle nito ang kaniyang “superstardom.”

Ngunit aminado rin ang aktor at singer na “maaway” rin silang mag-asawa, at sinabing hindi naman mawawala 'yun.

Kuwento niya, “Boy, most of the time, umaalis ako ng bahay para hindi kami mag-away. Most of the time, mas mabuti pang humihiwalay ako, I stay with the family.”

“Kaya natatawa si Papa Pablo atsaka si Mama Chiling, back to baracks ang tawag nila,” pagpapatuloy niya.

Ayon kay Randy ay nagpapalamig lang sila ni Marilou ng ulo at sa huli ay uuwi rin sa bahay nila.

Pagdating naman sa pagiging ama, ang masasabi ni Randy, “I would say maganda 'yung performance ko as a father.”

“Kasi siyempre mararamdaman mo naman sa binabalik ng mga anak mo e, so 'yung yakap ng mga anak mo, how they treat you. Most of the time, sila ang staff ko,” sabi niya.

Dagdag pa ni Randy, tuwing may show siya ay ang mga anak niya ang kasama bilang production assistant. Sabi pa niya, ito rin ang bonding nilang mag-aama.

Samantala, aminado naman si Randy na hanggang ngayon ay makirot pa rin ang pagpanaw ng kanilang ikalawang anak na si Ryan Leonardo noong 2017. Sobrang nami-miss pa rin niya ang kanilang anak matapos ang pitong taon.

“Iniiyak mo na lang 'yun. 'Yung urn niya, andun pa rin sa bahay, hindi naman na ipinapasok 'yun e. So I think it will stay there hangga't pwede,” aniya.

BALIKAN ANG NAGING BUHAY NI RYAN LEONARDO SA GALLERY NA ITO:

Nang tanungin siya kung ano ang sinasabi niya kay Ryan tuwing may pagkakataon, ang sagot ni Randy, “Samahan mo kami, ako.”

“Meron siyang picture na katabi namin e, 'pag merong moments na malulungkot ka lang, lalo na 'pag binabalikan mo 'yung pictures. Hindi lang picture, 'yung mga videos, biglang malulungkot ka na lang, lalo na nung may sakit siya, makikita mo 'yung video,” sabi niya.

Dagdag pa ni Randy, “Seven years na 'yan, Tito Boy, pero andun pa rin 'yung kirot. Masakit.”

Panoorin ang full episode ng interview ni Randy rito: