GMA Logo vice ganda, marko rudio, anne curtis
Photo by: @itsShowtimeNa X
What's on TV

Rap performance ng 'It's Showtime' family, hinangaan ng fans

By Kristine Kang
Published December 1, 2025 3:03 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE UPDATES: Conflict in the Middle East (April 2, 2026)
Flood-resistant building na ipinatayo ng GMAKF sa Malitbog E.S., pinasinayaan | 24 Oras
Maalinsangang panahon, asahan sa mga nalalabing araw ng Semana Santa | One North Central Luzon

Article Inside Page


Showbiz News

vice ganda, marko rudio, anne curtis


It's giving talaga ngayong 16th anniversary!

Puno ng swag at malakasang performances ang handog ng It's Showtime family sa pasabog nilang 16th anniversary celebration!

Sa unang araw ng selebrasyon, ipinamalas ng mga host ang kanilang rap skills. Kasama sina Jhong Hilario, Vhong Navarro, Ogie Alcasid, Jugs Jugueta, Teddy Corpuz, at Ion Perez.

Nakisali rin sa hip-hop craze sina Karylle at Anne Curtis, suot ang kanilang swag outfits.

Lalong na-excite ang fans sa duet number ni Vice Ganda kasama ang "Tawag ng Tanghalan All-Star Grand Resbak 2025" champion na si Marko Rudio.

Maliban sa mga host, kasama rin sa opening number ang ilang kilalang Pinoy rappers tulad nina Paul N' Ballin, Dice & K9, Drey & Bert, Aikee, at ang mga anak ni Francis Magalona na sina Elmo at Arkin.

Kaagad namang pinusuan ng fans ang unang MagPASKOsikat performance, na nag-trending pa sa X (dating Twitter).

Marami ang naaliw at namangha sa rap skills ng mga host, kasama na rin ang kanilang duet sa OPM stars.

"Happy sweet 16th anniv It's Showtime! Grabe ang pasabog opening prods… Special mention to Marko Rudio lodi talagaa…," komento ng isang fan.

"YesYesYes! that is the sweetest ever tlga! Happy Sweet 16th Madlang People…," isinulat ng isa pa.

Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.

Balikan ang 15th anniversary celebration ng It's Showtime sa gallery na ito: