What's Hot

Rap wears the late Rudy Fernandez's clothes during 'Hiram na Alaala' press con

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated July 18, 2020 4:03 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Actor McConaughey seeks to patent image to protect from AI
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News



Rap Fernandez continues to show his love for his late dad Rudy in the sweetest ways.  
By MICHELLE CALIGAN

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com
 
Dahil parehong artista ang kanyang mga magulang na sina Rudy Fernandez at Lorna Tolentino, hindi na ikinagulat ng lahat ang pagpasok sa showbiz ni Rap Fernandez, pati na rin ng kanyang nakababatang kapatid na si Renz.

Mapapanood ngayon si Rap sa primetime series na Hiram na Alaala, habang nasa Yagit naman si Renz.
 
Isang ama na rin si Rap, kaya tinanong siya ng entertainment press kung nabibigyan ba niya ng oras ang kanyang anak ngayong busy na naman siya taping.
 
"Weekends naman wala eh, MWF naman ang taping. You work hard for your baby on the weekdays, you enjoy them on the weekends. I think ganun din ang istorya ng maraming tao," sagot niya.
 
Agaw pansin din ang suot ni Rap noong press conference ng Hiram na Alaala dahil damit ito ng kanyang yumaong amang si Daboy.
 
"Natuwa nga ako na ito ang napili nila kasi marami akong dala, siyempre para may choices ang stylist. Pero ito talaga ang gusto kong suotin. Nag-agree din sila sa stylistic vision ko kaya natuwa din ako. Siyempre susunod naman ako kung sabihin nila na iba [na lang]."
 
Alam ba niya kung saan ito isinuot ng kanyang ama?
 
"More of a costume ito for a movie, hindi ko lang alam kung anong pelikula. Pero I'm sure nagamit niya ito somewhere. Andami kasi, he made 103 movies, so hindi ko alam kung alin doon niya ito nagamit."
 
First time daw niyang gamitin ang damit ng kanyang ama dahil bigay naman daw ito sa kanya. Gusto daw nilang ma-preserve ang mga naiwan nitong costumes.
 
"Gusto nga namin i-mannequin 'yung mga suot niya for each movie. Naka-tag kasi 'yun eh, nilagyan niya ng markings. Kaso hindi namin masyadong hinahalungkat kasi nakakalungkot. Ito kasi binigay niya sa akin kaya pinili kong suotin. Gusto namin kasi ma-preserve, kaysa naman gamitin namin."