
Ibinahagi ng Kapuso child star na si Raphael Landicho sa social media ang kanyang masayang bonding moment kasama ang co-star niyang si Gabby Concepcion sa set ng kanilang bagong serye.
Mapapanood sina Gabby at Raphael sa upcoming primetime series na Against All Odds.
Related content: Marian Rivera at Gabby Concepcion kasama si Max Collins at iba pang Kapuso stars, nagsama-sama sa story conference para sa bagong serye
Sa Instagram post ng Sparkle star, mapapanood ang kulitan moment nila ng batikang aktor habang sila'y nasa set ng nasabing serye at kitang-kita ang pagiging close ng dalawa off-cam.
“Kulitan and playing with Daddy C. @concepciongabby abangan niyo po kami soon on GMA,” sulat sa caption.
Noong Oktubre, nagkaroon ng masayang bonding ang dalawa sa isang restaurant at nagpasalamat si Raphael kay Gabby dahil sa treat nito.
Ang Against All Odds ay pagbibidahan nina Marian Rivera at Gabby Concepcion kasama si Max Collins.
Kabilang din sa cast sina Gabby Eigenmann, Raphael Landicho, Caitlyn Stave, Josh Ford, Kiray Celis, Arnold Reyes, Tanya Gomez, Christian Antolin, Tart Carlos at Marissa Delgado.