
Kahit mahirap ang virtual learning dahil sa banta ng COVID-19 pandemic, nakapagtapos pa rin sa kanilang pag-aaral ang ilang celebrity kids.
Sa katunayan, nakapagtapos nang may mataas na average si Voltes V: Legacy actor Raphael Landicho.
Sa kanyang report card, makikitang puro 90 pataas ang nakuhang marka ni Raphael sa kanyang mga subject.
Naka-graduate na rin si Scarlet Snow Belo mula sa pre-school.
Ayon kay Scarlet, mami-miss niya ang kanyang mga guro.
Proud parents na rin ang athletes na sina Japoy Lizardo at Janice Lagman dahil naka-graduate na sa preschool ang kanilang anak na si Jace.
Sa isang post sa Instagram, makikitang pinaghandaan talaga nina Japoy at Janice ang virtual graduation ng kanilang anak dahil naghanda pa sila ng background.
Naka-graduate na rin mula sa elementary ang anak ni Eat Bulaga dabarkad Paolo Ballesteros na si Keira.
Bukod sa kanila, kilalanin ang iba pang celebrity kids na nagbalik eskwela via online learning ngayong may pandemic: