GMA Logo raphael landicho
Celebrity Life

Raphael Landicho gets his 2nd COVID-19 vaccine

By Jansen Ramos
Published March 3, 2022 12:22 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Barangay kagawad at senior citizen, parehong patay sa banggaan ng kanilang motorsiklo sa Iloilo
Mandaue City LGU, Mihangyo nga Pondohan ang Itukod nga Hospital | Balitang Bisdak
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

raphael landicho


'Voltes V: Legacy' star Raphael Landicho on receiving his second COVID-19 jab: 'See you soon, mga Kapuso.'

Masayang inanunsyo ng Voltes V: Legacy star na si Raphael Landicho na natanggap na niya ang kanyang ikalawang COVID-19 jab.

Nabakunahan ang nine-year-old Sparkle star ng bakuna na gawa ng Pfizer-BioNTech noong Martes, March 1, 21 araw matapos niyang makuha ang unang shot niya ng vaccine.

Sa kanyang Instagram post, sulat niya kalakip ng #seeyousoonmgakapuso, "Finally! I've got my 2nd dose of covid-19 vaccine. I am now certified fully vaccinated! #fullyvaccinatedpfizer #thankyoumandavax."

A post shared by Raphael Landicho (@raphaellandicho)

Hindi naman napigilang mag-comment ng Voltes V: Legacy co-star ni Raphael na si Matt Lozano sa post ng child star, na gaganap sa papel na John Armstrong o mas kilala sa pangalang "Little John" sa inaabangang live-action adaptation ng popular na '70s anime. Samantala, si Matt naman ay lalabas bilang Big Bert.

Matt Lozano

Si Little John ang teen genius ng Voltes 5 team. Siya ang piloto o kumokontrol ng Volt Frigate o legs ng Voltes V.

Samantala, narito ang iba pang celebrity kids na nagpabakuna kontra COVID-19: