
Natanggap na ng Kapuso child star na si Raphael Landicho ang unang shot niya ng COVID-19 vaccine noong Martes, February 8, ang ikalawang araw ng vaccination program ng gobyerno para sa mga batang may edad 5 hanggang 11.
Sa kanyang Instagram account, na hina-handle ng ina ni Raphael, ishinare niya ang ilan niyang larawan mula sa kanyang COVID-19 vaccination activity sa isang mall sa Mandaluyong City.
"Finally! I got my 1st dose of pfizer vaccine💉💪😅 #vaccinated #resbakunakids #staysafe," ani Raphael sa kanyang caption.
Ang bakuna na gawa ng Pfizer-BioNTech ang tanging pinayagan ng Food and Drug Administration na iturok sa mga batang may edad na 5 hanggang 11. Binawasan ang dosage at concentration nito para sa nasabing age group.
Sa hiwalay na post, hinikayat ni Raphael ang mga kapwa niya bata na magpabakuna kontra COVID-19.
Sabi ng nine-year-old celebrity, "Sana mga kids magpa-vaccine na din kayo para sa safety natin. Health is wealth po."
Ikina-excite naman ng Voltes V: Legacy fans ang pagpapaturok ng COVID-19 vaccine ni Raphael. Ayon sa isang fan, senyales ito na posible na makapag-taping ang child star para sa inaabangang live-action adaptation ng '70s anime kapag nakumpleto na niya ang kanyang bakuna. Gaganap si Raphael bilang Little John Armstrong sa Voltes V: Legacy.
Sa katunayan, nagkomento pa ang direktor ng highly-anticipated series na si Mark Reyes sa post ni Raphael tungkol sa kanyang pagpapabakuna kontra COVID-19.
"See you soon Little Jon," sulat ni Direk Mark.
Sa tugon ni Raphael, sinabi niyang excited na siyang makapag-taping para sa Voltes V: Legacy.
Samantala, narito ang iba pang celebrity kids na nagpabakuna kontra COVID-19: