GMA Logo Raphael Landicho Kelvin Miranda
PHOTO COURTESY: raphaellandicho (IG)
What's Hot

Raphael Landicho is a cutie in latest video with Kelvin Miranda

Published May 25, 2023 1:47 PM PHT

Around GMA

Around GMA

BTS reunites for a celebration ahead of Christmas
Content creator Arshie Larga reveals his biggest investment in 2025
Girl rescued, hostage-taker killed in Marawi City

Article Inside Page


Showbiz News

Raphael Landicho Kelvin Miranda


Nagpasaya sina Sparkle stars at 'Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis' actors Raphael Landicho at Kelvin Miranda sa kanilang latest video sa Instagram. Panoorin dito.

Mapapanood sina Kapuso stars Raphael Landicho at Kelvin Miranda sa pinakabagong action-comedy series ng GMA na siguradong mamahalin ng mga manonood, ang Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis.

Ang nasabing programa ay pinagbibidahan nina Ramon “Bong” Revilla Jr., Beauty Gonzalez, at Max Collins.

Kamakailan ay naghatid ng saya sina Raphael at Kelvin sa pamamagitan ng kanilang behind the scenes video. Sa Instagram, i-pinost ng Kapuso child actor ang video, kung saan makikitang nasa likod niya si Kelvin habang ginagawa nila ang isang popular TikTok trend.

Ibinahagi rin ni Raphael ang mga pangalan ng kanilang roles na sina Gary (Kelvin Miranda) at Kiko.

Sulat niya sa caption, “Take 2! Kunwari wala sa likod ko si Kuya Gary. Pero galing po natin dito amazing. #GaryandKiko.”

A post shared by Raphael Landicho (@raphaellandicho)

Bukod dito, nagpasaya rin sina Kelvin kasama ang iba pang Sparkle artists na mapapanood sa Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis na sina Kate Valdez at Nikki Co.

Sa recent video na ibinahagi ng Sparkle GMA Artist Center, mapapanood ang masayang pagsayaw ng tatlong Kapuso stars habang nasa set ng upcoming action-comedy series.

A post shared by Sparkle GMA Artist Center (@sparklegmaartistcenter)

Makakasama rin sa Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis sina Carmi Martin, Niño Muhlach, Dennis Padilla, Maey Bautista, at Dennis Marasigan.

Ipinakikilala rito ang Sparkle actress na si Angel Leighton.

May special participation naman dito sina ER Ejercito, Bembol Roco, at Jeric Raval.

Abangan ang Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis simula June 4 sa GMA.

SAMANTALA, SILIPIN ANG NAGING GUN TRAINING NG CAST NG WALANG MATIGAS NA PULIS SA MATINIK NA MISIS SA GALLERY NA ITO.