
Patuloy na sinusubaybayan ng viewers ang mga tumitindi, maaksyon, at nakatutuwang tagpo sa action-comedy series na Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis, na pinagbibidahan nina Ramon “Bong” Revilla Jr., Beauty Gonzalez, at Max Collins.
Sa katunayan, patuloy na namamayagpag ang TV ratings ng nasabing serye. Nakapagtala ng 12 percent ratings ang 9th episode ng Walang Matigas na Pulis sa Matinik, na ipinalabas nitong Linggo (July 30), ayon sa NUTAM People Ratings.
Matatandaan na nakakuha naman ng 11.4 percent ratings ang 8th episode ng programa at 11.5 naman sa 7th episode nito.
RELATED CONTENT: 'Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis' records 11.4 ratings as Elize shows her true colors
Labis ang saya ng Kapuso child star na si Raphael Landicho na maging bahagi ng isang action-comedy series sa unang pagkakataon at sa mataas na ratings ng Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis.
Gumaganap si Raphael bilang Francisco “Kiko” Reynaldo, ang anak nina Major Bartolome “Tolome” Reynaldo (Bong Revilla Jr.) at Gloria Reynaldo (Beauty Gonzalez).
“Sobrang saya ko po kasi first time ko lang po gumanap ng role sa isang show [na] comedy po na may action. Ang saya ko po na kahit first ko lang po makasali sa gano'ng show ay mataas po 'yung ratings,” pagbabahagi niya sa GMANetwork.com sa naganap na GMA Gala 2023.
Bukod kay Raphael, nagpapasalamat din si Max Collins, na gumaganap bilang Elize Riego De Dios, dahil sa mataas na TV ratings ng serye at sa patuloy na pagsuporta ng mga manonood.
“I'm so thankful that are ratings are good. Sana we have a season two because I super enjoyed working with the whole cast of Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis. So maraming salamat sa lahat ng sumusuporta sa amin at maraming kaabang-abang na eksena, action, at the same time, maraming rebelasyon na darating,” aniya sa GMANetwork.com sa naganap na GMA Gala 2023.
Patuloy na subaybayan ang Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis tuwing Linggo, 7:50 p.m., sa GMA.