GMA Logo Raphael Landicho, Ysabel Ortega, Miguel Tanfelix, Radson Flores, Matt Lozano
What's on TV

Raphael Landicho, may ibinuko tungkol kaniyang 'Voltes V: Legacy' co-stars

By Jimboy Napoles
Published May 9, 2023 8:25 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Wilma slightly accelerates, 27 areas under Signal No. 1
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Raphael Landicho, Ysabel Ortega, Miguel Tanfelix, Radson Flores, Matt Lozano


Totoo nga bang mag-on na sina Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega? Ilan lang 'yan sa sinagot ni Raphael Landicho sa 'Fast Talk with Boy Abunda.'

May ibinuko ang child actor na si Raphael Landicho tungkol sa kaniyang co-stars sa Voltes V: Legacy nang siya ay sumalang sa Fast Talk with Boy Abunda.

Bago mag-volt in sa kanilang unang misyon kagabi, May 8, sa world premiere ng nasabing live-action series, bumisita muna sa nasabing weekday talk show ang lead cast nito na sina Miguel Tanfelix, Ysabel Ortega, Radson Flores, Matt Lozano, at Raphael.

Dahil hindi raw nagsisinungaling ang mga bata, si Raphael ang napili ng TV host na si Boy Abunda na sumagot sa “Fast Talk.”

Dito ay inamin ni Raphael na siya at kaniyang Kuya Matt ang pinakamatakaw sa kanilang lima at ang kaniyang Kuya Miguel ang pinakamapang-asar sa kanila.

Bukod dito, may sinabi rin si Raphael tungkol sa crush ng kaniyang Kuya Radson.

“Sino ang crush ni Kuya Radson?” tanong ni Boy.

“Kuya Radson… si Ate Carla,” sagot naman ni Raphael.

Matapos ito, muling nagtanong si Boy, “Sa tingin mo ba mag-boyfriend na si Ate Ysabel at saka si Kuya Miguel? Yes or No? Sa opinyon mo lang.”

Nag-isip muna ang child actor at saka sinabing, “Hindi ko po alam pero parang oo na po kasi lagi silang sweet to each other.”

Mabilis naman nagtawanan ang cast maging ang mga tao sa studio sa naging sagot ni Raphael.

Samantala, kuwento pa ni Raphael, pitong taong gulang pa lamang siya nang magsimulang gawin ang Voltes V: Legacy kung kaya't nasa dalawa o tatlong beses siyang nagpalit ng costume sa loob ng tatlong taon na ginagawa ang nasabing action series.

Mapapanood ang Voltes V: Legacy, gabi-gabi pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad.

Para naman sa iba pang maiinit na showbiz balita, tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda, Lunes hanggang Biyernes, 4:45 p.m. sa loob ng 20 minuto sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.