GMA Logo Raphael Landicho
PHOTO COURTESY: The Boobay and Tekla Show
What's on TV

Raphael Landicho, nais maging isang piloto

By Dianne Mariano
Published February 28, 2024 6:22 PM PHT
Updated June 9, 2024 10:24 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Marcos secures $3.4B investment pledges from Japanese business leaders
Pila ka mangunguma, nagapreparar sang talamnan sa pagsugod sang pag-ulan-ulan | One Western Visayas
Cookie brand, BTS create purple hotteok-flavored snack

Article Inside Page


Showbiz News

Raphael Landicho


Hinarap at sinagot nina Sparkle child stars Raphael Landicho at Euwenn Mikaell ang mga tanong tungkol sa karera, pamilya, at iba pa sa recent episode ng 'TBATS.'

Nakisaya ang talented Kapuso stars na sina Euwenn Mikaell at Raphael Landicho sa The Boobay and Tekla Show kamakailan.

Sumalang ang MMFF 2023 Best Child Actor at My Guardian Alien star sa “Just Kidding” segment, kung saan sinagot nila ang ilang tanong tungkol sa pamilya, karera, at iba pa.

Isa sa mga tanong para sa guest celebrities ay kung ano ang gusto nilang maging trabaho paglaki nila.

“Kapag kayo ba ay lumaki na o tumanda, tingin n'yo ba gusto n'yo pa rin maging artista o gusto n'yo na magkaroon ng bagong trabaho?” tanong ni Boobay.

Ayon kay Raphael, nais niyang maging isang piloto. Aniya, “Akin po, depende kung magse-stay po ako being an actor. Pero kapag may gusto po akong trabaho, pilot po.”

Nang tanungin siya ni Tekla kung bakit piloto ang gusto nito, sagot ng My Guardian Alien actor, “Para po maikot ko po sina mama sa iba't ibang lugar.”

Samantala, nais naman ng Firefly at Forever Young star na maging isang chef.

Bukod dito, tinanong din sina Raphael at Euwenn kung ano ang una nilang gagawin para sa mga tao kung sila'y magiging presidente ng Pilipinas.

Alamin ang kanilang sagot sa video sa ibaba.

Matapos ito, sumabak sina Raphael at Euwenn kasama ang kapwa Sparkle artists na sina Kirsten Gonzales at Tanya Ramos sa larong “Picture, Picture,” kung saan hinulaan nila ang iba't ibang mga larawan.

Bago natapos ang masayang gabi, nagharap ang Team Kirswenn at Team TanRap sa “ The Whisper Challenge,” kung saan may suot na noise-canceling device sina Kirsten at Tanya habang hinuhulaan ang mga salita mula sa mga bibig nina Raphael at Euwenn.

Sino kaya ang nagwagi sa dalawang teams? Panoorin sa video sa ibaba.

Subaybayan ang The Boobay and Tekla Show tuwing Linggo, 10:05 p.m., sa GMA, Pinoy Hits, at Kapuso Stream.