
Nagpapasalamat ang Sparkle child star na si Raphael Landicho sa kanyang My Guardian Alien co-star na si Marian Rivera dahil sa binigay na regalo nito para sa kanya.
Sa Instagram, ibinahagi ni Raphael ang isang video kung saan makikita ang regalong white cap na natanggap niya mula sa Kapuso Primetime Queen. Mapapanood din sa naturang video ang pagyakap ng Kapuso star sa kanyang onscreen mom.
Ayon sa 11-year-old actor, masaya siyang nakatrabaho si Marian sa My Guardian Alien at nais niya muling makasama ang batikang aktres sa iba pang mga proyekto.
“Thank you, Ate Yan (Mommy) for the great gift. I'm happy to work with you. You're really generous, caring and loving, and I hope we work together again soon. Lab you Ate Yan,” sulat niya sa caption.
Bukod dito, noong Nobyembre ay nakatanggap si Raphael ng iPad mini mula sa renowned actress para sa kanyang 11th birthday.
Gumaganap si Raphael Landicho bilang Doy, ang anak nina Katherine (Marian Rivera) at Carlos (Gabby Concepcion), sa GMA Prime series na My Guardian Alien.
Subaybayan ang My Guardian Alien tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m., sa GMA Prime, Pinoy Hits, at Kapuso Stream. Mapapanood din ang serye sa GTV sa oras na 10:30 p.m.