Naniniwala si Diva na sa tulong ng mga good vampire ay manunumbalik ang alaala ng kanyang kaibigan. Pero itong si Vava (Glaiza de Castro) gustong gawin na bad vampire si Vivi!
Magtagumpay kaya sina Vava na madagdagan ang grupo ng masasamang bampira?
Dapat ninyo tutukan mga Kapuso ang special episode ng Vampire Ang Daddy Ko (VADK) this Sunday (September 6), dahil ang minahal niyo sa The Rich Man’s Daugther na si Kapuso leading lady Rhian Ramos ang celebrity guest nila Bossing Vic Sotto at Glaiza de Castro.
Kaya RaStro rebels, samahan niyo ang buong cast ng VADK sa isang episode na puno ng kulitan at katatawanan!