Article Inside Page
Showbiz News
"Gusto namin magpasalamat sa suporta niya...We hope na we are representing you correctly." - RaStro
By MICHELLE CALIGAN
Interview by AL KENDRICK NOGUERA
"Wow, thank you!"
Ito ang bulalas ng
The Rich Man's Daughter stars na sina Rhian Ramos at Glaiza de Castro nang malamang nagbigay ng positive feedback si Aiza Seguerra sa kanilang primetime series.
Noong nakaraang linggo ay bumisita ang singer-songwriter sa Barangay LS 97.1 para i-promote ang kanyang latest album, at doon ay
nahingan siya ng pahayag patungkol sa The Rich Man's Daughter.
Ayon kay Glaiza, nagiging daan ang show para mas makilala at maintindihan ng publiko ang mga lesbian kaya naa-appreciate ito ng LGBT community.
"Let's face it, in reality ang mga gay ang naunang maging mas accepted ng tao. Kumbaga naging normal na nga eh. Ang mga lesbians, discreet kasi sila masyado. Parang taboo pa rin sila, pero ang totoo ang dami talaga nila. At naghahanap din sila ng mga makakaintindi sa kanila, kaya ganun din sila ka-passionate sa pag-promote ng show namin. Kasi kahit papano may isang show, may group of people who are willing to represent them."
Sinang-ayunan naman ito ni Rhian, na
napagkamalang lesbian noong kabataan niya.
"Hindi lang kay Ms. Aiza Seguerra, pero sa lahat po ng [members ng] LGBTQ community, gusto namin magpasalamat sa suporta niya and for spreading the word to all of your friends. We hope na we are representing you correctly, and if not, Facebook us (laughs)."
LOOK: The cast of The Rich Man's Daughter in a Facebook workshop
The Telebabad drama was also featured in an international feminist website,
Autostraddle.com, last week.