
Kabilang ang Star Magic artist na si Rave Victoria sa official housemates ni Kuya sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.
Related gallery: Meet the 20 housemates of 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0'
Sa interview ng GMANetwork.com kay Rave, seryoso niyang sinagot ang tanong tungkol sa kung ano ang gusto niyang matutuhan sa loob ng iconic house.
“Gusto ko pong matutunan? Siguro 'yung kung paano mas mag-handle ng emotions namin,” pahayag niya.
Ayon pa kay Rave, goal niya na manatiling kalmado kapag naranasan na nila ang mabibigat na tasks mula kay Kuya.
“Kapag nape-pressure na ang lahat, kapag high na ang emotions ng mga tao ay gusto ko po kapag umabot na kami sa ganon, calm lang kami. 'Yung maayos naming sosolusyunan 'yung problema namin,” dagdag pa ni Rave.
Si Rave ay kilala sa teleserye ng totoong buhay bilang Ang Optimistic Apo ng Tarlac.
Samantala, abangan ang susunod na updates tungkol sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.
Mapapanood ang reality competition ng live sa GMA, Kapuso Stream, ABS-CBN Entertainment YT channel, at IWant tuwing weekdays, 9:40 p.m., Sabado, 6:25 p.m., at Linggo sa oras na 10:05 p.m..
Ipapalabas din ito sa Kapamilya Online Live weekdays, 10:15 p.m., Sabado, 9:15 p.m., at Linggo, 10:05 ng gabi.