
Nasa loob man ng Bahay Ni Kuya, tila unstoppable ang pamilya ni Ashley Sarmiento sa pagpaparamdam at pagpapakita kung gaano sila kasaya para sa kaarawan ng Sparkle star.
Masaya silang nag-celebrate sa outside world at spotted dito ang isini-ship kay Ashley na si Rave Victoria, isa sa ex-housemates sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.
Related gallery: Meet the fan-favorite ships in 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0'
Sa mismong event, ibinahagi ni Rave sa birthday message niya para kay Ashley.
Sabi niya, “Hello Ash, Happy happy birthday sa'yo. Sana masaya ka diyan sa loob ng Bahay [Ni Kuya].”
“Sana mag-stay ka muna ha dahil ikaw 'yung big winner diyan siyempre. Sana magtuluy-tuloy lang 'yung kung ano 'yung na-start natin sa loob ng bahay. Miss na miss na kita pero diyan ka lang,” pahabol pa ni Rave.
Sa latest episode ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0, napanood ang 100 seconds na pag-uusap at pagyakap nina Rave at Ashley sa isa't isa.
Dito ay nag-greet din si Rave at binuhat niya pa ang birthday girl.
Patuloy na tumutok sa mga kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.
Mapapanood ang reality show ng live sa GMA at Kapuso Stream, weekdays, 9:40 p.m. at 6:15 p.m. naman tuwing Sabado at Linggo.
Maaari ring subaybayan ang mga kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa All-Access Livestream na mapapanood sa link na nasa ibaba.