
Sa naging pagbisita ng It's Showtime host na si Vice Ganda sa Bahay Ni Kuya sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0, nakilala niya ang bagong Kabataang Pinoy housemates.
Isa na rito si Rave Victoria na tila tumatak sa kanya dahil sa nakakaantig na istorya ng kaniyang buhay.
Sa pagpasok ni Vice sa iconic house, nagkaroon ng pagkakataon ang housemates na mapanood ang movie ng una na Call Me Mother, kung saan co-stars din niya ang ilang ex-housemates ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition na sina Mika Salamanca, Brent Manalo, Shuvee Etrata, Esnyr, Klarisse De Guzman, at River Joseph.
Related gallery: Mga artistang mapanonood sa dalawang 2025 MMFF entries
Kasunod ng pagpapanood nito, muling pinag-usapan ang tungkol sa buhay ni Rave at pagiging sabik nito sa kalinga ng kanyang mommy na mayroon na ngayong bagong pamilya sa ibang bansa.
Pagbabahagi ng male Star Magic artist, “Sobrang na-touch po ako kasi at some point po kasi naka-relate po ako kasi laking Lola po ako. Hindi ko po nakakasama 'yung Mama ko, nag abroad po siya…
"Nagpapadala tuwing Pasko pero never ko pong nakasama mama ko sa Pasko, buong buhay ko po talaga. Pero 'yung Papa ko po ngayon umuwi na siya kasi sabi niya kahit wala kami masyadong pera basta magkasama kami okay lang daw sa kanya… Si Mama ko, may pamilya na po siya sa Korea," dagdag niya.
Emosyonal na sagot ni Rave sa tanong ni Vice kung kumusta at ano ang nakuha niya sa istorya ng pelikula, “Ganon pala 'yung kayang gawin ng isang ina sa isang anak pero 'yung totoo po parang sa buong buhay ko parang hindi ko naramdaman na nag-effort siya.”
Lubos namang humanga si Vice sa maturity ni Rave dahil kahit nasasaktan umano ang huli ay hindi siya nagtanim ng galit sa kanyang ina.
Pahayag ni Vice, “Nasaktan ako kasi ang hirap, ang sakit maiwan. Nasasaktan ako sa istorya mo kasi ikinasakit ko iyon dati…”
Samantala, si Rave ay kilala sa teleserye ng totoong buhay bilang Ang Optimistic Apo ng Tarlac.
Related gallery: Meet the 20 housemates of Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0
Patuloy na tumutok sa mga kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.
Mapapanood ang reality show ng live sa GMA at Kapuso Stream, weekdays, 9:40 p.m., Sabado, 6:15 p.m., at Linggo sa oras na 10:05 p.m..
Maaari ring subaybayan ang mga kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa All-Access Livestream na mapapanood sa link na nasa ibaba.
Samantala, bilang isa sa mga nakatutok sa teleserye ng totoong buhay, sino sa male at female housemates ang gusto mong maging big winner ngayong season?
Sagutan ang polls sa ibaba: