
Nakatanggap na rin ng Christmas gift at surprise ang housemate na si Rave Victoria.
Sa nakaraang episode ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0, nasaksihan ang heartfelt reunion ni Rave at ng kanyang Mommy Haidee na madalas niyang naikukuwento sa housemates at maging sa houseguests.
Related gallery: Meet the housemates of Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0
Gulat na gulat at talaga namang nasorpresa siya nung makahaharap niya sa loob ng Bahay Ni Kuya ang kanyang ina.
Ayon kay Mommy Haidee, si Rave at ang muli nilang pag-uusap ang main reason kung bakit mula pa sa Korea ay umuwi siya sa Pilipinas.
Sa kanilang pag-uusap, unti-unting nasagot ang mga tanong sa isip ng male housemate, at isa na rito ay kung bakit hindi siya inimbitahan sa kasal ng kanyang ina na ngayon ay mayroon na ring pamilya sa Korea.
Paliwanag ng kanyang ina, “Pasensya na anak dahil hindi ka nakasama sa kasal. Hindi ko alam na masakit 'yun para sa'yo. Pero alam mo anak, kung masakit sa'yo 'yun, doble ang sakit sa akin…”
“Alam mo kung bakit? Ayaw kong makita mo na magkaroon ako ng sariling pamilya. Natatakot ako na kapag nakita kita, magback out ako dahil ayaw kong masaktan ka anak,” dagdag ni Mommy Haidee.
Nasundan pa ito ng iba pang paliwanag at malalim na pag-uusap ng mag-ina.
Nabanggit din ni Mommy Haidee na sobrang proud siya kay Rave at sa mabuting pag-uugali ng kanyang anak sa loob ng Bahay Ni Kuya at maging sa outside world.
Samantala, matatandaang maraming beses na naibahagi ni Rave ang tungkol sa relasyon nila ng kanyang ina na ayon sa kanya ay hindi niya gaanong nakakausap.
Patuloy na tumutok sa mga kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.
Mapapanood ang reality show ng live sa GMA at Kapuso Stream, weekdays, 9:40 p.m., Sabado, 6:15 p.m., at Linggo sa oras na 10:05 p.m..
Maaari ring subaybayan ang mga kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa All-Access Livestream.