GMA Logo raya sirena
Image Source: regalfilms50 (Instagram)
What's on TV

'Raya Sirena,' tinutukan ng mga manonood; top trending topic sa Twitter

By Aaron Brennt Eusebio
Published April 26, 2022 3:11 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Manila City illuminates its Christmas tree and celebrates with a concert
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

raya sirena


Napanood niyo ba ang pilot episode ng pinakabagong sea fantaseries ng GMA Network at Regal Entertainment na 'Raya Sirena?'

Marami ang nag-abang at tumutuok sa newest fantaseries ng GMA Network at Regal Entertainment na Raya Sirena na nagsimula na nitong Linggo, April 24.

Bukod sa official hashtag ng show na #RayaSirena, trending topic din sa Twitter Philippines ang 'RAYA SIRENA ISDABeginning.'

Isang post na ibinahagi ni Regal Entertainment, Inc. (@regalfilms50)

Dahil dito, nagpasalamat ang Kapuso actress na si Sofia Pablo sa lahat ng nanood at sumuporta sa kanilang miniseries. Si Sofia ang gumaganap na Raya, isang sirena na may malalaman tungkol sa kanyang nakaraan.

Komento ni Sofia, "Thank you Sirenas! Mahal kayo ni Raya!"

Marami naman ang pumuri sa ganda ng location ng Raya Sirena na kinunan sa Bataan. Bukod dito, pinuri rin ng netizens ang cast ng Raya Sirena kabilang na sina Allen Ansay at Saviour Ramos.

Sa ilalim ng direksyon ni Crisanto Aquino, mapapanood ang Raya Sirena tuwing Linggo, 3:05 p.m. sa GMA Network.

Samantala, kilalanin ang iba pang artista na mapapanood sa Raya Sirena dito: