
Sa ikalawang episode ng sea fantaseries ng GMA Network at Regal Entertainment na Raya Sirena, nalaman na ni Raya (Sofia Pablo) na isa siyang taorena sa pamamagitan ng mahiwagang kabibe.
Sa una, may naririnig pa lang si Raya na tumatawag sa kanyang pangalan ngunit kahit anong gawin niya ay hindi ito nakikipag-usap sa kanya.
Hanggang isang araw, sinabihan ng mahiwagang kabibe si Raya na pumikit at dito na sinabi sa kanya na isa siyang taorena.
Ngunit hindi alam ni Raya kung ano ba ang ibig sabihin ng taorena kaya nagpatulong na siya sa kanyang kaibigan na si Gavin (Allen Ansay).
Panoorin ang Raya Sirena tuwing Linggo, 3:05 p.m. sa GMA. Samantala, kilalanin pa ang ibang bida ng Raya Sirena sa gallery na ito: