Article Inside Page
Showbiz News
Spooky Nights goes full-force on horror in its last episode for the year, featuring celebrity couple Raymart Santiago and Claudine Barretto with
Magic Palayok child star, Angeli Nicole Sanoy.
Itotodo ng
Spooky Nights ang pananakot sa huli nitong episode sa taong 2011 kasama ang mag-asawang Raymart Santiago at Claudine Barretto pati na rin ang
Magic Palayok child star na si Angeli Nicole Sanoy.
Maganda ang taong 2011 para sa horror program at patuloy itong nangunguna sa time slot nito tuwing Sabado nang gabi. Nitong Disyembre 3 at 10, nakapagtala ang
Spooky Nights ng karampatang 29.7% at 29.9% household audience shares sa Mega Manila ayon sa overnight data ng Nielsen TV Audience Measurement.
Ngayong Sabado, siguradong pakakaabangan din ng mga manonood ang
Spooky Nights Presents: Perya. Sa isang maliit na perya nagaganap ang kwentong ito tungkol sa dalawang malungkot na taong muling nakatuklas sa kahulugan ng Pasko matapos makilala ang isang ulila.
Marami nang nanlokong lalaki kay Jackie (Claudine) kaya sinisikap niyang magdamit-lalaki upang hindi na siya maligawan pa. Sa kabilang banda, ang kaibigan niyang si Jilmer (Raymart) ay palagi ring sawi sa pag-ibig dahil sinasamantala ng mga babae ang kanyang kabaitan.
Makikilala ni Jackie si Alice dahil sa isang insidente sa peryang kanyang pinapamahalaan. Nang malaman niyang ulila na ito, nagdesisyon agad si Jackie na kupkupin ang bata kahit tutol si Jilmer at nag-aalalang baka kasama si Alice sa sindikato.
Ang hindi alam nina Jackie at Jilmer, mas nakakatakot pa sa sindikato si Alice dahil nababalot ng kadiliman ang nakaraan nito. Sadyang desperado sa pagmamahal ng magulang ang bata at nagiging psychotic obsession na niya ito, dahilan upang tapusin niya ang sinumang bumigo sa kanya. Matatakasan pa ba siya nina Jackie at Jilmer ngayong nakapasok na siya sa kanilang buhay?
Kasama sina Mel Kimura at Tom Olivar, ang
Spooky Nights Presents: Perya ay pinagtulungang likhain nina Direktor Uro Q. Dela Cruz at Headwriter Senedy Que.
Huwag palampasin ang huling handog ng
Spooky Nights sa taong 2011 pagkatapos ng
Manny Many Prizes ngayong Sabado sa GMA-7.