GMA Logo Raymart Santiago
Source: raymartsantiago (IG)
What's Hot

Raymart Santiago, iginiit na hindi niya magagawa ang paratang ni Inday Barretto

By Kristian Eric Javier
Published October 28, 2025 3:15 PM PHT
Updated October 28, 2025 4:48 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PCIJ: ‘Allocable’ for solons in Iloilo City, province reaches P4.3B
DOJ Usec. Jojo Cadiz, nagbitiw sa puwesto sa gitna ng alegasyon sa flood control
GMA Pinoy TV wins big at the Anak TV Seal Awards 2025!

Article Inside Page


Showbiz News

Raymart Santiago


Nagsalita na si Raymart Santiago laban sa mga akusasyon na binitawan ng kaniyang mother-in-law na si Inday Barretto.

Iginiit ni Raymart Santiago na hindi niya magagawa ang mga paratang ni Inday Barretto, ang ina ng dati niyang asawa na si Claudine Barretto.

Sa panayam ni Inday sa vlog ng entertainment reporter at talent manager na si Ogie Diaz, kung saan pinaratangan niya ang aktor na inabuso diumano ni Raymart si Claudine noong kasal pa sila.

Sa isang serye ng Instagram stories, iginiit ni Raymart na hindi niya magagawa ang mga paratang sa kaniya ni Inday bagkus ay tinupad niya pa nga ang pangako niya dito at sa ama ni Claudine na si Daddy Pikey.

“Hindi man naging perpekto ang aming pagsasama, malinaw sa aking konsensya na kailanman ay hindi ko nagawa o magagawa ang mga paratang nila. Tinupad ko ang pangako ko sa kanila ni Daddy Pikey,” sabi ni Raymart.

Pagpapatuloy pa ng aktor, “Kahit na sarili ko ay tinaya ko para maprotektahan lang ang anak nila. Higit sa lahat, mahal na mahal ko ang aking mga anak at binigay ko ang higit pa sa nararapat.

”Ayon kay Raymart ay matagal niyang pinag-isipan kung magsasalita ba siya ng personal, lalo na at naglabas na ang kaniyang legal counsel ng pahayag ukol dito. Sa katunayan, halos labintatlong taon umano siyang nanahimik at idinaan na lang sa tamang proseso ang pinagdaanan nilang mag-asawa.

“Naging mahirap ito dahil ang pangalan na iningatan at ipinamana ng aking mga magulang ay nadungisan dahil sa mga kasinungalingan at maling akusasyon,” sabi ni Raymart.

Dagdag pa ng aktor, “Masakit, dahil may mga anak kaming nakakaintindi na at naaapektuhan ng kanilang mga naririnig at nababasa sa media. Nakakadismaya dahil kung makapagsalita ang iba ay akala mong naging bahagi sila ng aming buhay at lahat ay alam nila.”

Ngunit alam din umano ni Raymart na kailangan niyang magsalita para sa ikatatahimik niya.

“Naiintindihan ko na kami ay "public figures" at inaasahang tatanggpin ang bawat komento at kritisismo. Ngunit sa pagkakataong ito, hindi naman siguro kalabisan na hilingin ko na ang bawat isa ay umiwas sa pagpapahayag ng mga bagay na maaaring makasakit at makasama sa kapakanan ng bawat isa, lalo na sa aming mga anak at sa kanilang kinabukasan,” sabi ni Raymart.

Sa huli, sinabi ng aktor, na pipiliin pa rin niyang magbigay ng respeto, at sinabing ipapaubaya na lang niya sa “panahon na siyang humusga at maghayag ng katotohanan.”

BALIKAN ANG MULING PAGKIKITA NINA RAYMART AT CLAUDINE PARA IPAGDIWANG ANG KAARAWAN NG KANILANG ANAK NA SI SABINA SA GALLERY NA ITO: