
Isang second class scuba diver na ngayon si Never Say Die star Raymart Santiago.
Natanggap niya ang certification para rito matapos mag-train sa ilalim ng isang dive master mula sa Amerika.
Naging bahagi si Raymart ng Joint US-Philippine Military SCUBA Diving Operation Kraken 2026 na ginanap sa Anila, Batangas noong February 21 hanggang 22.
Sa kanyang Instagram account, ibinahagi niya ang ilang kuha mula sa event.
Bago pa nito, mahilig na rin sa scuba diving si Raymart. Nakakasama pa niya rito ang anak niyang si Santino.
Samantala, abala pa rin ang aktor sa taping ng Never Say Die.
Nakakulong ngayon ang karakter niyang si Major Miguel Delgado matapos ma-frame up sa pagpatay ng kapwa pulis.
Dahil dito, naghahanap ng ebidensiya ang anak niyang si Joey (Jillian Ward) para mapawalang sala siya.
Patuloy na panoorin si Raymart Santiago sa action-drama series Never Say Die, Monday to Friday, 8:55 p.m. sa GMA Prime.
May same-day replay ito sa GTV tuwing 10:30 p.m.
Maaari rin itong i-livestream sa GMA Play, ang official streaming app ng GMA Network.
I-download ang GMA Play sa Apple App Store at Google Play.
Available rin ito sa GMANetwork.com/GMAPlay at sa mga Android TV.