GMA Logo Raymart Santiago
What's Hot

Raymart Santiago, napa-throwback sa show nila ni Jillian Ward 13 years ago

By Marah Ruiz
Published February 13, 2026 6:59 PM PHT

Around GMA

Around GMA

'Stars on the Floor' Season 2 returns with bigger collaboration
Over 100 ex-rebels seek amnesty in Sultan Kudarat
Royal Glow: Every head-turning Sparkle star at the MalacaƱang Gala

Article Inside Page


Showbiz News

Raymart Santiago


Binalikan muli ni Raymart Santiago ang teleserye nila ni Jillian Ward sa GMA na umere 13 years ago.

Isang cute na throwback photo ang ibinahagi ng aktor na si Raymart Santiago sa kanyang Instagram account kamamailan.

Screengrab ito ng isang lumang programa kung saan kasama niya si Star of the New Gen Jillian Ward.

Mula ito sa drama fantasy series na Home Sweet Home na umere noong 2013. Gumanap sila rito bilang mag-ama na biglang nag-iba ang ugali matapos pumasok sa isang misteryosong abandonadong bahay.

Ito ang huling pagkakataong nagkatrabaho sila ni Jillian bago mag-reunite sa bagong GMA Prime action-drama series na Never Say Die.

Mag-ama muli ang labas nila sa serye at masaya si Raymart na maging co-star muli si Jillian.

Idinagdag din ng aktor sa post ang ilang screengrabs mula sa Never Say Die.

"Biruin mo, after 13 years nagkatabaho ulit tayo… congratulations anak @jillian #neversaydie," sulat niya sa caption ng kanyang post.

A post shared by Raymart Santiago (@raymartsantiago)

Gumaganap si Raymart sa Never Say Die bilang pulis na na-frame up ng sindikato, habang si Jillian naman anak niyang gagawin ang lahat para linisin ang pangalan ng tatay niya.

Patuloy na panoorin si Jillian Ward at Raymart Santiago sa action-drama series Never Say Die, Monday to Friday, 8:55 p.m. sa GMA Prime.

May same-day replay ito sa GTV tuwing 10:30 p.m.

Maaari rin itong i-livestream sa GMA Play, ang official streaming app ng GMA Network.

I-download ang GMA Play sa Apple App Store at Google Play.

Available rin ito sa GMANetwork.com/GMAPlay at sa mga Android TV.