What's Hot

Raymart Santiago, sasagutin na ang bintang ni Claudine!

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 15, 2020 9:25 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Physical: Asia star Robyn Brown wins silver, Olympian Lauren Hoffman takes bronze in SEA Games 400m hurdles
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News



Sa unang pagkakataon, magsasalita na si Raymart Santiago tungkol sa mga akusasyon ng asawang si Claudine Barretto na peke ang kanilang kasal.


Sa unang pagkakataon, magsasalita na si Raymart Santiago tungkol sa mga akusasyon ng asawang si Claudine Barretto na peke ang kanilang kasal.

Noong nakaraang Linggo, nakapanayam ng Startalk si Claudine at idinetalye niya ang mga isyu tungkol sa kanilang mag-asawa at ang mga problema niya sa mga kapatid na sina Gretchen at Marjorie.

Ayon kay Claudine, mahirap ang kanyang sitwasyon dahil sa mga intrigang hinaharap niya.

"Surviving, thriving as a mother. I say thriving and surviving because it's not easy to raise two kids na single ka and at the same time na bugbog sarado ka sa lahat ng mga intriga at masasakit na sinasabi from your family, from your ex, and all that," pahayag niya.

Isa raw sa pinagsisisihan niya ay ang pagpayag sa renewal of vows nila ni Raymart dahil peke raw ang prosesong ito.

"Dapat natuto na 'ko na hindi na 'ko nagpakasal kay Raymart ulit noong March 27, 2006 dahil hindi tunay 'yung kasal na 'yun. Kasi hindi lang ako (ang) naloko kung hindi (lahat ng) Pilipino...Fake marriage license ('yun)," dagdag niya.

Ngayong hapon, sasagutin naman ni Raymart ang mga paratang ng asawa.

"Di ko alam kung ano'ng balak niyang gawin sa 'kin. Sasabihing mamamatay-tao naman ako ngayon? Kailangan ko nang magsalita. Meron akong dokumentong nagpapatunay na lahat 'yun (ay) kasinungalingan," sabi ng aktor.  

Panoorin ang exclusive interview kay Raymart mamayang 4 p.m sa Startalk.

-- Text by Meryl Ligunas, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com