Article Inside Page
Showbiz News
Ayaw na raw ni Raymart na sakyan ang "trip" ng kampo ni Claudine.
“Ayaw ko na ring sakyan ‘yung mga trip nila.”
Ito ang sinabi ni Raymart Santiago sa mga isyung ibinabato sa kanya ng kampo ng kanyang estranged wife na si Claudine Barretto.
“Basta kami sa tama, sa totoo. Magpakatotoo na lang sila,” dagdag niya.
Ayon kay Raymart, nasa korte na ang isyu at mas mabuti kung ito na rin ang magdesisyon imbes na sa posts sa Twitter o Instagram.
Ang huling pinakamabigat na akusasyon ng kampo ni Claudine ay ang pagiging battered wife nito sa kamay umano ni Raymart. Inilabas pa nila ang ilang larawan na nagpapakita kay Claudine na may
maraming peklat sa hita.
“Labas sila nang labas ng ano. Siyempre sasagutin ko tapos bigla silang tatahimik. Tapos ibang isyu na naman ang sasabihin. Korte na lang ang mag-decide,” aniya.
Idinagdag pa niya na pinag-uusapan na rin ang isyu ng sustento niya sa kanyang mga anak.
Samantala, binalewala ni Raymart ang mga tsismis na sila na ni Bettina Carlos, ang kanyang co-star sa
Villa Quintana. Nagsimula nga raw iyon sa naturang show.
“Tinatawanan ko na lang (iyon),” dagdag niya.
Sa ngayon, hindi pa raw siya maaaring makipagrelasyon. “Sa tamang oras, sa tamang panahon,” pagtatapos niya.