What's Hot

Raymart Santiago wishes to have second chance with mom

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 17, 2020 7:39 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Sino si Dr. Reginald Santos, ang asawa ni Carla Abellana? | GMA Integrated Newsfeed
Davao police say boy’s injury not caused by firecrackers

Article Inside Page


Showbiz News



If there's one thing that Raymart wants to do again, that's to spend time with his late Mama Ling.
By MICHELLE CALIGAN

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com
 
Pagkatapos gampanan ang role na Felix sa Villa Quintana, balik primetime si Raymart Santiago sa upcoming teleserye na Second Chances.
 
Lahat ng tauhan sa kuwento ng naturang programa ay naghahangad ng pangalawang pagkakataon sa buhay, kaya tinanong namin ang aktor kung mayroon bang pangyayari na nais niyang magkaroon siya ng second chance.
 
"Siguro sa pinagdaanan ko rin ngayon, sa mommy ko. Sana nagkaroon ako ng chance na mas nakapag-spend ng time sa kanya. That's why I am very saddened ng pagkamatay niya," he says.
 
Pumanaw noong September 26 ang kanyang inang si Cielito Legaspi-Santiago, na mas kilala sa showbiz bilang Mama Ling.
 
Pagpatuloy pa ng aktor, "So if given a second chance siguro, [I'd] spend more time [with her] kasi hiwa-hiwalay na rin kami."
 
Nang tanungin namin si Raymart kung naniniwala ba siya sa second chances, ito ang kanyang naging pahayag.
 
"Depende naman din eh. Depende sa sitwasyon, depende kung ano ang second chance na 'yun. It might be love life, sa work. At kung bibigyan ka naman ng second chance, if ever, ay sana ayusin mo na 'yung susunod. Kung napagsisihan mo 'yung pagkawala ng bagay na 'yun noong una at binigay ulit sa 'yo, pangalagaan mo na."
 
Abangan si Raymart Santiago sa Second Chances, this November on GMA Telebabad.