GMA Logo Raymond Bagatsing
What's on TV

Raymond Bagatsing, anong sikreto sa pagiging fit sa edad na 56?

By Jimboy Napoles
Published January 16, 2024 1:59 PM PHT
Updated January 16, 2024 2:23 PM PHT

Around GMA

Around GMA

AI-powered 'glasses for the blind' showcased in Las Vegas tech event
Farm to Table: (January 11, 2026) LIVE
Manifest success in 2026 with these 5 Gemini prompts

Article Inside Page


Showbiz News

Raymond Bagatsing


Ano nga ba ang sikreto ni Raymond Bagatsing sa pagiging fit and looking bagets sa edad na 56?

Ano nga ba ang sikreto ng batikang aktor na si Raymond Bagatsing sa pananatiling fit at pagiging matinee idol sa edad na 56?

Sa Fast Talk with Boy Abunda, ibinahagi ni Raymond sa batikang TV host ang kanyang sikreto sa pagiging healthy and young looking.

Aniya, “I just like working out. I enjoyed doing martial arts, manly things, motorcycle, and stuff like that.”

Dagdag pa ni Raymond, ginawa niya nang lifestyle ang pagyo-yoga. Paraan niya ito upang ma-relax at mas makapag-focus sa kanyang trabaho.

“It's a lifestyle. 'Yung yoga, it's not just the physical poses. It's a holistic lifestyle of being vegetarian, fasting, yoga poses, and meditation,” ani Raymond.

Sa ngayon, napapanood si Raymond sa seryeng Black Rider bilang ang kontrabida na si Edgardo Magallanes.

Kaugnay nito, tinanong din siya ni Boy Abunda tungkol sa pagiging kontrabida.

“What makes a kontrabida, good kontrabida?” tanong ni Boy sa aktor.

Sagot naman ni Raymond, “Most kontrabidas, if you understand the psychology of kontrabida, bad boys, feeling nila lagi silang inaapi. Actually, meron silang broken heart, nawalan na ng tiwala sa society. It comes from a broken heart, 'yung nagtatampo, ako 'yung talo, ngayon ako naman 'yung babawi.”

RELATED GALLERY: Raymond Bagatsing at Jon Lucas, may hugot bilang mga kontrabida

Kuwento ni Raymod, minsan ay hindi siya agad na nakakawala sa kanyang emosyon pagkatapos umarte sa isang eksena.

Aniya, “Nadadala ko 'yung pain. Not naman totally because when I act, I try not to act. So, kapag naramdaman ko 'yun, umiyak ako, masama loob ko, totoo 'yun.

"When human beings are going through emotions, frustrations, nagre-register 'yan sa mind kasi naaalala yan ng mind e. So, nagbibigay siya ng mga ala-ala.”