
Inamin ni Raymond Gutierrez na muntik na siyang maiyak nang makita niya ang kanyang billboard sa highway.
Saad ni Raymond sa kanyang Instagram account, "Nearly teared up when I saw myself last night. Sharing this moment with you guys to show you that dreams can turn into reality if you work hard."
Dagdag pa niya sa kanyang video post, "OMG!!! Surreal!!! Never thought I'd be half naked in the middle of the highway ever!!!"
Si Raymond ay dumaan sa 90-day fitness challenge para ma-achieve ang kanyang fit na pangangatawan. Ang kanyang new look ay produkto ng "hard work, dedication and a lot of sacrifices."
Photos by: @mond(IG)