
Isa si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa mga hinahangaang Kapuso actress ni Raymond Mabute.
Sa isang press interview, sinabi ng young heartthrob na gusto niyang maging leading lady ang primetime queen.
Nang tanungin naman kung sinong young actress ang 'crush' niya, sinagot ng aktor na isa ito sa cast ng fantasy series na Raya Sirena.
"Nasa Raya Sirena po, 'yung kontrabida po," sabi ni Raymond. "Si Ayeesha Cervantes po."
Kabilang si Raymond sa cast ng kauna-unahang family sitcom ng GTV, ang Tols.
Sa sitcom, gumaganap siya bilang si Kenny, ang maaasahang all-around manager, receptionist, at tagabantay ng Tols' Barbers & Salon.
Kasama rin ni Raymond sa Tols sina Rufa Mae Quinto, Betong Sumaya, Kelvin Miranda, Shaun Salvador, Abdul Raman, Olive May, at Rolando Inocencio.
Samantala, kilalanin ang cast ng Tols sa gallery na ito: