GMA Logo Family Feud
PHOTO SOURCE: Family Feud
What's on TV

Raymundo Brothers at pamilya ni Lito Camo, maghaharap sa 'Family Feud!'

By Maine Aquino
Published February 24, 2026 1:10 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Ashley Sarmiento, Rave Victoria explore South Korea
Fire displaces 48 families in CDO on Good Friday
How the latest smartphones are embracing the beauty of the unfiltered journey

Article Inside Page


Showbiz News

Family Feud


Maglalaro ang icons ng OPM ngayong February 24 sa 'Family Feud!'

Episode na may halong kantahan at kulitan ang inihanda ng Family Feud ngayong Martes!

Ngayong February 24, tuloy pa rin ang selebrasyon ng Love Month dahil mayroong bagong “More Tawa, More Saya, More Love” episode ang Family Feud. Maghaharap ang dalawang musical dynasty sa isang rhythmic face-off.

Pangungunahan ng multi-talented artist na si Rannie Raymundo na kilala bilang “Great Magician” ng musika ang Raymundo Brothers. Si Rannie, na nanalo ng Best Male Performer sa Aliw Awards 2025, ay ang boses ng timeless anthem na "Why Can't It Be."

Makakasama niya sa Family Feud ang kaniyang mga kapatid. Ang actor-singer na may golden voice na si Lance Raymundo; si Richard Raymundo o DJ Buddha, na legendary DJ at producer na nakapag-tour around the world kasama ang icons na sina Abra, Loonie, Ron Henley, at Apl.de.Ap; at ang Hollywood-trained audio engineer and elite music producer na si Neil Raymundo.

PHOTO SOURCE: Family Feud

Sa Camo Family naman maglalaro ang ultimate hitmaker na si Lito Camo. Siya ay ang nakilala sa mga kantang "Bakit Papa?," "The Spaghetti Song," "Bulaklak," "Sasakyan Kita," at "Otso-Otso."

Makakasama naman ni Lito ang sharp at spirited niyang anak na si Carleth Camo; ang former Goin' Bulilit star turned culinary student na si Carl Camo; at ang energetic na pamangkin ni Lito na si Sharpay Layug.

Tawanan, surprises, at feel-good moments ang aabangan sa Family Feud ngayong February 24, 5:40 p.m. sa GMA at sa Kapuso Stream.

Sa mga home viewers, huwag kalimutang sumali sa Guess More, Win More promo ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng PhP10,000 up to PhP100,000!