
Nalaman na ang pinakaunang mga nominado sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.
Ang grupo ng Rays of Sunshine na binubuo nina Reich Alim, Waynona Collings, Fred Moser, at Princess Aliyah ang nominado sa ginanap na unang nomination night ngayong Linggo, November 9.
Ilan sa kanila ang nanganganib na lumabas ng Bahay ni Kuya sa unang eviction night ng pinag-uusapang teleserye ng totoong buhay ng mga sikat.
Samantala, ngayong Linggo din sumailalim ang celebrity housemates sa kanilang pinakaunang ligtas challenge upang hindi mapabilang sa housemates na maaaring i-nominate.
Napagtagumpayan naman ng Adorable Task Smashers group na binubuo nina Ashley Sarmiento, Eliza Borromeo, Lee Victor, at Miguel Vergara ang naturang challenge kaya naman sila ang nakaligtas sa nominasyon ngayong linggo.
Sino kaya sa mga nominadong housemates ang unang magpapaalam sa Bahay ni Kuya?
Voting is now open at maaari nang iligtas ang iyong paboritong housemates.
Patuloy na tumutok sa mga kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.
Mapapanood ito, weekdays 9:40 p.m., tuwing Sabado, 6:15 p.m., at tuwing Linggo, 10:05 p.m., sa GMA, Kapuso Stream, ABS-CBN Entertainment YouTube Channel, IWant, at weekdays 10:15 p.m. at tuwing Sabado, 9:15 p.m., at tuwing Linggo, 10:05 p.m. sa Kapamilya Online Live.
Abangan ang iba pang detalye tungkol dito sa GMANetwork.com at iba pang social media platforms ng GMA at ABS-CBN.