GMA Logo Rayver Cruz at Julie Anne San Jose
What's on TV

Rayver Cruz at Julie Anne San Jose, ready na bang magmahal muli?

By Bianca Geli
Published January 10, 2022 10:30 AM PHT

Around GMA

Around GMA

DHSUD includes high-density housing as option in 4PH Program
Visually impaired soldier promoted from captain to major
Farm to Table: (December 14, 2025) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Rayver Cruz at Julie Anne San Jose


Madalas napagtatambal ang 'All-Out Sundays' mainstays na sina Rayver Cruz at Julie Anne San Jose, ngunit handa na ba silang magmahal muli?

Sa nakaraang episode ng All-Out Sundays, nalagay sa hot seat sa isang game portion sina Rayver Cruz at Julie Anne San Jose.

Tanong ng host na si Pokwang kay Rayver, "Alam na ng buong mundo na single ka na. Ready ka na bang magmahal muli?"

Sagot naman ni Rayver, "You know what, guys...hinay-hinay lang muna."

Hindi rin nakalusot ang Limitless star na si Julie Anne San Jose, "Nararamdaman mo bang ngayong 2022, magiging limitless na ang love life mo?" tanong ni Pokwang.

Matipid ang naging sagot ni Julie, aniya, "We will see, God knows."

Matatandaang napabalitang break na si Rayver at ang longtime girlfriend nitong si Janine Gutierrez noong Oktubre ng 2021.

Samantala, naghiwalay sina Julie Anne San Jose at ang Kapuso actor na si Benjamin Alves noong 2019 matapos ang relasyon nila na unang inamin sa publiko noong 2016.

Tingnan ang singing divas ng All-Out Sundays sa gallery na ito: