
Aminado ang Asawa Ko, Karibal Ko actor na si Rayver Cruz na nahihiya siya sa dalawang leading ladies niya sa programa, sina Kris Bernal at Thea Tolentino.
READ: Rayver Cruz, makakatrabaho sina Kris Bernal at Thea Tolentino sa isang teleserye
Aniya, “Nahiya rin ako eh, at first talaga. Pero nung nakasama at naka-kwentuhan ko na sila, okay naman and nawala na 'yung hiya ko.”
Sa pagtagal daw ng kanilang workshops ay naging mas komportable na raw si Rayver sa dalawang Kapuso actresses.
“Mabait silang dalawa sa akin, nakatulong 'yung workshop at kung papaano silang dalawa sa 'kin kasi naging comfortable ako kaagad.”
Dagdag niya, “I felt welcome kaagad. Nung nag-taping na ako kasama sila nawala na 'yung hiya ko.”
READ: Rayver Cruz officially a Kapuso