
Naghahanda na ang Kapuso actors na sina Rayver Cruz, Derrick Monasterio, at Ken Chan para sa gaganaping GMA Gala 2024 na mangyayari sa July 20.
Collaboration ng stylist na si Ivor Julian at designer na si Ryan Ablaza Uson ang susuotin ni Rayver.
Kuwento ni Rayver, na napapanood din sa GMA Prime series na Asawa Ng Asawa Ko, "Sabi ko lang sa kanila, na something classic, classy but unique. Favorite ko kasi 'yung last year, e, so challenge na rin for them kung paano nila mas gaganda pa kaya ako excited."
Same stylist at designer rin ang gagawa ng susuotin ni Derrick na nag-trending noong nakaraang taon dahil sa suot niyang luxury watch na GMT-Master II na may diamond wave dial.
Magsusuot kaya ulit ni Derrick ng luxury watch ngayong taon?
"Siguro meron, bahala na 'yung akin stylist d'yan. Siyempre, hindi niya ako hahayang hindi mag-stand out, e. Gusto niya talaga mag-stand out ako kaya siya ang bahala diyan," patikim ni Derrick.
Para kay Ken, plain lang ang kaniyang susuotin sa GMA Gala 2024 na may temang black and white with a touch of sparkle.
"Gusto ko 'yung talagang plain, plain 'yung isusuot ko, walang masyadong nangyayari sa isusuot ko. And gusto kong ma-highlight 'yung mga jewelries na isusuot ko for that night," saad ni Ken.
Sinisigurado naman ng designer na si Ryan Ablaza Uson na dapper ang isusuot ng mga nasabing Kapuso actor.
Aniya, "Our main goal is to make them look as dapper as they could. We really go on a timeless silhouette of suits."
Balikan ang pagrampa ng celebrities sa red carpet sa GMA Gala noong nakaraang taon sa mga larawang ito: