GMA Logo All-Out Sundays
What's on TV

Rayver Cruz gets a surprise from Gerald Anderson on 'All-Out Sundays'

By Bianca Geli
Published July 23, 2024 7:08 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Rob Reiner’s son arrested on homicide charges after filmmaker, wife found dead
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

All-Out Sundays


Gerald Anderson surprised Rayver Cruz for his birthday celebration on 'All-Out Sundays.'

Hindi inasahan ni Rayver Cruz ang mga dumating na sorpresa para sa kanya sa naganap na birthday celebration niya sa All-Out Sundays.

Maliban sa sweet birthday message na handog ni Julie Anne San Jose sa kanyang boyfriend na si Rayver Cruz, nasorpresa rin ang birthday boy nang bumisita si Gerald Anderson sa AOS stage.

Laking gulat ni Rayver nang sa kalagitnaan ng kanyang song number ay biglang dumating sa stage si Gerald.

Bungad ni Julie matapos ang song number, "Itong surprise na ito, hindi ko talaga sinabi. Walang nagsabi sa'yo. Kaya talagang we made sure na walang makakaalam na pupunta si Gerald Anderson dito."

Saad naman ng nakatatandang kapatid ni Rayver na si Rodjun Cruz, "Everything, para sa kanya. Happy birthday, brother. My brother, I love you, alam mo 'yan, mahal na mahal kita.”

"Ang wish ko for you, good health, para mas marami ka pang mas mapasayang tao. More blessings, kasi deserve mo lahat ng blessings, bro," pagpapatuloy niya.

"And siyempre, ang lakas mo talaga kay Lord, kasi nasa buhay mo si Julie."

Dagdag naman ni Edgar Allan Guzman, "Isa sa pinakatotoong kaibigan ko, si Rayver. Mahal kita, brody. Nasa 'yo na ang lahat e, kumbaga si Julie na lang talaga 'yung kulang. Kumpleto na 'yung buhay mo."

Nagbigay rin ng birthday greeting si Ken Chan, "Ang wish namin is sa'yo, kung ano man ang dreams and goals mo matupad and for sure mangyayari 'yun kasi witness kami sa kabutihan ng puso mo."

Ang message naman ni Gerald para kay Rayver, "Nasa 'yo na ang lahat 'e. Happiness sana ang i-wi-wish ko sa'yo pero happy na happy ka na bro 'e. Pero sa tagal ng pinagsamahan namin, napakabuting tao talaga nito, sobra sobra. So brother, I'm always here. Happy birthday."

RELATED GALLERY: Julie Anne San Jose and Rayver Cruz's cutest looks

Naging madamdamin naman ang mensahe ni Julie para kay Rayver, "Happy, happy birthday. Wala na akong mahihingi pa. Sa totoo lang, ang tagal kong pinagdasal na sana dumating 'yung tamang tao para sa akin."

"Sobrang blessed ko na dumating ka sa buhay ko, and para akong nakahanap ng other half. Napakasaya ng puso ko," paglalahad ng Limitless Star.

"Ang wish ko lang is you take care of your health, alam ko minsan may mga doubts ka sa sarili mo pero lagi mong tatandaan na."

"Napaka-strong mo, nasa 'yo na lahat, napakabuti mong tao. Huwag kang makakalimot kay Lord, maraming nagmamahal sa'yo, palagi lang kaming nandito para sa'yo. Lalong lalo na ako."

"Marami kang mga goals and dreams tutuparin natin 'yun together, I love you so much."

Nagpasalamat naman si Rayver sa lahat ng mga sumusuporta sa kanya. "Thank you Lord kasi hanggang ngayon nandito pa rin ako ginagawa kung ano ang passion ko, kasama kayong lahat."

"Thank you sa buong AOS family, Ms. Ruth, Ms. D, Ms. Gigi...grabe na-surprise ako ang ganda ng prod. Tito Perry...Kuya RJ, Ge, maraming salamat bro mahal ko kayo."

"Sa GMA nd sa Sparkle family, Ms. Joy, Ms. Annette, Boss Vic, Ate Aira, Tito Albert, sa family and friends ko, sa Rayver Lovers at JulieVers sa lahat ng mga supporters, maraming maraming salamat, mahal na mahal ko po kayo," dagdag pa niya.

At ang mensahe niya para kay Julie, "I love you so much, alam mo naman 'yun."

Panoorin ang kaganapan sa birthday celebration ni Rayver sa video na ito: