GMA Logo Rayver Cruz
Photo source: FTWBA
What's on TV

Rayver Cruz, handa nang magbigay ng bagong flavor bilang dance authority sa 'Stars on the Floor' 2026

By Karen Juliane Crucillo
Published February 11, 2026 6:30 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBI moves in on properties linked to Charlie 'Atong' Ang
Mga sinalanta ng Bagyong Basyang sa Iligan, hinatiran ng foodpacks ng GMAKF | 24 Oras
Mga Balay sa mga Retiradong Air Force sulod sa Mactan Airbase, Gipangguba | Balitang Bisdak

Article Inside Page


Showbiz News

Rayver Cruz


Handa nang sumabak si Rayver Cruz bilang bagong dance authority ng 'Stars on the Floor' 2026.

Mas paiinitin ni King of the Dance Floor Rayver Cruz ang dance floor bilang bagong dance authority sa Stars on the Floor 2026.

Sa kanyang panayam sa Fast Talk With Boy Abunda nitong Miyerkules, February 11, ibinahagi ni Rayver ang magiging ambag niya sa dance show.

“Dobleng energy ang baon ko. As in, siguro ayun 'yung mahahatid ko as dance authority, ibang flavor,” sabi ng actor-dancer.

Ibinahagi rin ni Rayver ang hinahanap niyang kalidad ng isang dance star para sa isang performance.

“Ang overall impact kasi na hinahanap ko sa isang performance, 'yung tatagos, hindi lang sa aming mga judge e, kundi sa buong audience namin sa studio hanggang sa mga nanonood sa amin sa telebisyon,” paliwanag niya.

Ngayong papalapit na muli ang premiere ng Stars on the Floor 2026, excited na inamin ni Rayver na nag-level up ang bagong season ng naturang programa.

“Mas maraming bagong twist dito, Tito Boy. And magkaibang level sila ng intensity pero masasabi ko rin na nag-level up po kami sa Season 2 din,” aniya.

Nagbigay rin ng teaser si Rayver sa mga mangyayari sa premiere ng Stars on the Floor 2026 sa Linggo.

“At tsaka gusto ko lang ipagmalaki, Tito Boy, na kapag pinanood nila 'yung opening prod pa lang namin sa Sunday, sobrang grabe na talaga. So, may showcase rin kami dyan, so panoorin niyo 'yan,” kuwento ni Rayver.

Makakasama ni Rayver sa dance authority panel sina Kapuso Primetime Queen Marian Rivera at Dance Trend Master Coach Jay.

Abangan ang Stars on the Floor 2026 ngayong Linggo, February 15, sa GMA!

RELATED GALLERY: LOOK: Rayver Cruz's 'pogi' photos that will make you 'kilig'