GMA Logo Rayver Cruz
Photo source: Michael Paunlagui, rodjuncruz (IG)
What's on TV

Rayver Cruz, inaming fan ng Season 1 ng 'Stars on the Floor'

By Karen Juliane Crucillo
Published January 16, 2026 4:48 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Environmentalist sa Negros Oriental, Gipusil Patay | Balitang Bisdak
24 Oras Express: January 16, 2026 [HD]
Nadine Samonte finds joy in collecting of designer figure

Article Inside Page


Showbiz News

Rayver Cruz


Rayver Cruz: “Fan ako ng show at siyempre, fan na fan ako ni Rodjun Cruz talaga.”

Isa sa mga sumuporta sa Dance Universe noong Season 1 ay si Rayver Cruz, na ngayon ay opisyal nang bahagi ng dance authority ng Stars on the Floor 2026.

Sa panayam kasama ang GMA Network.com, aminado ang King of the Dance Floor na sobrang saya niya sa tagumpay ng Season 1, lalo na bilang isang fan na hindi pinalampas ang kahit isang episode sa naturang programa.

“Na-witness ko naman talaga dahil nga bilang fan ako ng show at siyempre, fan na fan ako ni Rodjun [Cruz] talaga, pinanood ko 'yung buong Season 1,” kuwento ni Rayver.

Ikinuwento ni Rayver na inulit-ulit niya panoorin ang mga dance prod ng kanyang kapatid sa show kaya naman pamilyar na siya sa programa.

“Sabi ko nga noong pinapanood ko 'yung Season 1, ang sarap noong ganoong klaseng show. Parang ang sarap sumali. Kung bibigyan ako ng opportunity, contestant or kung anuman, parang ang saya makasali sa ganoong kagandang show bilang mananayaw kasi ayun talaga 'yung first love ko e, kami ni Rodjun,” kuwento niya.

Dagdag pa niya, “Noong pinapanood ko si Rodjun, parang nanalo na rin ako. Ganon 'yung level. Tapos ayun nga, mabait si Lord, nag-champion si Rodjun.”

Kaya naman mula sa pagiging fan at ngayon na isa na siya sa mga dance authority, inamin ng dancer na sobra itong masaya, lalo na't excited na siya matunghayan ang talento ng celebrity at P-pop dance stars.

“Noon kasi, celebrities and digital stars, and now iba na rin naman ngayon kasi, P-pop idols naman and celebrities. Ibang level din itong season na 'to,” pahayag niya.

Ibinahagi rin ni Rayver na nakapag-rehearse na sila ng kanilang opening at ikinuwento niya na pasabog na dance number ang aabangan ng kanyang fans.

Noong unang season, itinanghal sina Rodjun at Dasuri Choi bilang ultimate dance star duo.

Makakasama ni Rayver sa dance authority panel sina Kapuso Primetime Queen Marian Rivera at Dance Trend Master Coach Jay.

Mapapanood ang Stars on the Floor 2026 simula February 15 sa GMA!

RELATED GALLERY: LOOK: Rayver Cruz's 'pogi' photos that will make you 'kilig'