
Mahigit dalawang dekada na sa showbiz si Kapuso actor Rayver Cruz, na nagsimula bilang child actor sa GMA Network.
At ang isa sa inspirasyon niya para magpatuloy sa industriya ay ang kanyang namayapang ina na si Melody Beth Cruz. Pumanaw ang ina ni Rayver noong February 2, 2019, isang buwan matapos na ma-diagnosed na may stage 4 pancreatic cancer.
"My late mother. She's my number one fan, e. And up to now, she's my inspiration," pagbabahagi ni Rayver sa Stail Philippines, isang online fashion magazine.
Dagdag pa niya, "My family--that's what keeps me pushing. We all do,"
Latest cover ngayon ng Stail Philippines si Rayver, kung saan mas ipinakilala niya ang sarili at buhay bilang isang artista.
Pero ano nga ba ang sikreto ni Rayver sa pananatili ng mahigit dalawang dekada sa industriya?
"Keep your dream. Hindi lahat ng bagay madali at first, eventually mas maganda 'yung slowly but surely. Improve your craft," pagbibigay inspirasyon ni Rayver.
Sa ngayon, masaya si Rayver sa takbo ng karera niya bilang isang Kapuso. At isa ito sa masasabi niyang pinakamagandang desisyong ginawa niya para sa kanyang pangarap.
Mapapanood ngayon si Rayver sa GMA Afternoon Prime series na Nagbabagang Luha bilang si Alex, asawa ni Maita na ginagampanan ni Glaiza de Castro.
Ipinarating ni Rayver kung gaano siya nagpapasalamat na mapabilang sa magagaling na aktor ng serye.
"Exciting, because amidst the situation and pandemic, we finished a beautiful project, and I'm very blessed," sabi niya.
"You won't get to sleep at your siesta time. Make sure that your hearts are ready to feel pain and cry," dagdag pa ni Rayver sa mga dapat pang abangan ng mga manonood.
Ayon kay Rayver, ang serye ay orihinal na pelikula noong 1988 na pinagbidahan ni Gabby Concepcion.
"Medyo pressure din, but ibang attack naman 'yung sa amin. It's a series, not movie. Marupok kasi ako rito, e."
Tampok din sa serye sina Claire Castro, Mike Tan, Alan Paule, Archi Adamos, Myrtle Sarrosa, Royce Cabrera, Karenina Haniel at Gina Alajar.
Samantala, balikan sa gallery sa ibaba ang 32nd birthday celebration ni Rayver Cruz.