
Hirap man ang mga karakter nila Rayver Cruz at Jasmine Curtis-Smith sa GMA Prime series na Asawa ng Asawa Ko mahanap ang kanilang happy ending, tila nahanap na ng dalawang aktor ang kanilang happiness sa kani-kanilang mga partner.
Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Biyernes, December 20, kinamusta ni King of Talk Boy Abunda ang relasyon nina Rayver at Jasmine sa pamilya ng kanilang partners na sina Julie Anne San Jose at Jeff Ortega.
Ani Rayver, sobrang saya at okay ang lahat sa pamilya ni Julie at katunayan ay naka-bonding pa niya ang ama ng singer-actress nang makasama nila ito sa Australia kamakailan.
“Parang sobrang kasundo ko po sila mama niya and papa niya. Actually, kakagaling lang namin sa Australia, nag-bonding talaga kami du'n ni papa niya kasi kasama si papa niya du'n sa Auatralia, e,” sabi ni Rayver.
Dagdag pa ng actor at TV host, masarap sa pakiramdam na naging parte na siya ng pamilya nina Julie.
Very grateful din umano si Jasmine sa pamilya ni Jeff, lalo na sa mga kapatid nito na kapatid at in law na rin ang turing sa kaniya.
“At saka when it comes with Tita Denny, the mom of Jeff, she's really inclusive, laging nagtatanong, hinahanap ako kapag hindi kasama ni Jeff, and they're a big family compared to ours na iilan lang kami. Iba 'yung pakiramdam kapag sumasali ka sa mas malaking pamilya,” sabi ng aktres.
BALIKAN ANG ILAN SA CELEBRITY COUPLES NA DUMALO SA NAKARAANG GMA GALA SA GALLERY NA ITO:
Nang tanungin naman ng batikang host si Rayver tungkol sa kasal, ipinasa niya ang tanong kay Jasmine, na game sinagot si Boy.
“Oo naman, and my answer is always the same, it's definitely in our plans down the road,” sabi ng aktres.
Dagdag pa ni Rayver, “Pero para sa aming dalawa [ni Jasmine], like ako, lagi kong sinasabi na si Julie na talaga 'yung pakakasalan ko.”
“Same here, same here,” sabi naman ni Jasmine patungkol kay Jeff.