GMA Logo Rayver Cruz, Julie Anne San Jose
Source: rayvercruz (IG)
What's on TV

Rayver Cruz, Julie Anne San Jose, nagsukat ng wedding gown sa Dubai?

By Kristian Eric Javier
Published February 12, 2026 2:05 PM PHT

Around GMA

Around GMA

7 Chinese nabbed for alleged illegal mining in Bukidnon
Igorot Stone Kingdom acquires Discaya's Rolls-Royce for P29M
Marcoleta insists his statements on Kalayaan Islands are 'misinterpreted'

Article Inside Page


Showbiz News

Rayver Cruz, Julie Anne San Jose


Wedding bells na ba ang susunod na tutunog para kina Rayver Cruz at Julie Anne San Jose?

Naging usap-usapan kamakailan ang pagpunta ng real-life celebrity couple na sina Rayver Cruz at Julie Anne San Jose sa Dubai, lalo na nang mapansin ng fans na tila nagpunta ang aktres sa shop ng kilalang designer na si Michael Cinco. Haka-haka ng mga tao, nag-fitting na ang Asia's Limitless star para sa kaniyang wedding gown.

Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Miyerkules, pinabulaanan naman ni Rayver ang espekulasyon ng mga tao.

“Alam mo, Tito Boy, gustuhin man natin 'yan, pero hindi, e. Kasi siyempre 'pag mga ganu'n, gusto ko kasama 'yung parents. E 'yung trip na 'yun, ako, si Rodjun, Julie, and her sister. Dapat concert date kami,” sabi ni Rayver.

Samantala, para naman sa kapatid ni Rayver na si Rodjun Cruz, tingin nito ay matanda na ang kapatid at alam na nito ang “tamang vision” sa buhay.

“Iilan lang kami 'yung ganiyan magmahal sa babae, marespeto sa pamilya, so sobrang proud ako kay Rayver. Basta ang importante, ine-enjoy nila 'yung pagmamahalan nila and inspired sila sa bawat isa. Support ako sa kahit anong vision nila,” sabi ni Rodjun.

Biro pa ni Rayver, oras na matuloy na sila ni Julie sa altar ay kukunin nilang ninong si King of Talk Boy Abunda.

Ang sagot dito ng batikang host, “Usually, sinasabi ko, 'Sandali, pag-usapan natin.' Ito talaga, oo ito, siguradong-sigurado na.”

Nagprisinta naman si Dasuri Choi na maging isa sa mga bridesmaids ni Julie oras na ikasal na sila ni Rayver.

Samantala, sa pagbisita ni Julie sa naturang GMA Afternoon Prime talk show noong September 2025, inamin niyang madalas pa rin siyang tanungin tungkol dito. At ayon sa singer-actress, ipinagpapaubaya na lang niya ang mangyayari sa Diyos.

“Ako, right now Tito Boy, nasa point kasi ako ngayon na I'm just letting God control it kasi it is the best way, Tito Boy, kasi hindi ako umaasa sa kung ano 'yung gusto ko, kung ano ' yung gusto Niya, kung ano 'yung gusto ni Lord, kung ano 'yung will ni Lord. Kung papaano, kailan mangyayari ang mga bagay-bagay,” sabi ni Julie.

“I'm just letting things be and letting God handle everything,” dagdag pa ng singer-actress.

Panooring ang panayam kina Rayver, Rodjun, at Dasuri dito: