GMA Logo Rayver Cruz
Photo source: gmaregionaltv (IG)
What's on TV

Rayver Cruz, maganda ang simula ng 2026 dahil sa bagong projects

By Karen Juliane Crucillo
Published January 20, 2026 6:04 PM PHT

Around GMA

Around GMA

IRR sa ‘No to Single Use Plastic’ Ordinance sa Davao City, gipagawas na | One Mindanao
Alex Eala, Ingrid Martins bow out of Australian Open doubles
Lee Victor to release debut single 'Nagkakahiyaan,' a relatable pop track about unspoken attraction

Article Inside Page


Showbiz News

Rayver Cruz


Masayang sinalubong ni Rayver Cruz ang taong 2026 dahil sa sunod-sunod na bagong projects.

Simula pa lang taong 2026, umaapaw na sa blessings si Rayver Cruz dahil sa kaniyang mga bagong project.

Sa isang exclusive interview sa GMANetwork.com, ibinahagi ng King of the Dance Floor na marami siyang “first time” ngayong taon, lalo na nang mapabilang siya sa dance authority lineup ng Stars on the Floor 2026.

Hindi pa rin daw siya makapaniwala sa magandang simula ng kaniyang taon at sobrang nagpapasalamat siya sa lahat ng blessings na dumadating sa kaniya ngayong 2026.

“Hindi ko nga masyadong iniisip pa sa ngayon pero kapag dumadaplis sa utak ko, ang saya lang ng taon na 'to kasi first time lahat,” sabi ni Rayver.

Masaya rin si Rayver na magsasama muli sila ni Asia's Limitless Star Julie Anne San Jose sa isang upcoming GMA series. Magsasama rin sila sa bagong edisyon ng The Clash Teens.

“First time ko maging judge and parang first time namin ni Julie magsasama sa TV [series] naman. Ibang vibe rin 'yun, ibang feeling din 'yun,” pahayag niya.

Ibinahagi rin ng Sparkle artist ang kaniyang excitement na makatrabaho muli si Julie Anne.

“Siyempre kahit na ayun 'yung taong mahal ko, iba pa rin naman kapag magkasama na kayo sa palabas e, so wow good start ng year,” aniya.

Dagdag pa niya, “Thank you, GMA Network and thank you kay Lord, siyempre. Excited ako e, parang after nga ng New Year, 'yung switch ng utak ko, work mode na agad.”

Makakasama ni Rayver sa dance authority sina Kapuso Primetime Queen Marian Rivera at Dance Trend Master Coach Jay. Nagbabalik din bilang host si Asia's Multimedia Star Alden Richards sa naturang programa.

Mapapanood ang Stars on the Floor 2026 simula February 15 sa GMA.

RELATED GALLERY: LOOK: Rayver Cruz's 'pogi' photos that will make you 'kilig'