GMA Logo rayver cruz and jennylyn mercado in sanggang dikit fr
What's on TV

Rayver Cruz, mapapanood sa 'Sanggang-Dikit FR'

By Jansen Ramos
Published October 15, 2025 5:55 PM PHT

Around GMA

Around GMA

15-anyos nga dalagita, napalgang patay | One Mindanao
Ombudsman, nagsampa ng kasong malversation at graft laban kay Bong Revilla at 6 na iba pa
Gabbi Garcia's photos from 2016 that prove she is a true it girl

Article Inside Page


Showbiz News

rayver cruz and jennylyn mercado in sanggang dikit fr


Ginagampanan ni Rayver Cruz ang karakter ni Jared Lopez sa GMA Prime series na 'Sanggang-Dikit FR'.

Si Rayver Cruz bagong aabangan sa action-packed series sa Sanggang-Dikit FR, na pinagbibidahan ng Kapuso couple na sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo.

Sa episode ng GMA Prime series noong Martes, October 14, ipinakilala na ang karakter ng aktor na si Jared Lopez.

Sa nasabing episode, nakatanggap ng sipa si Jared mula sa karakter ni Jennylyn na si Bobby, isang pulis, matapos nitong makita ang una sa loob ng palikuran.

Akala ni Bobby ay namboboso si Jared pero ang totoo, nawala sa isip ng dalaga na pumasok siya sa toilet ng panlalaki dahil kailangan na niyang magbanyo sa gitna ng kanyang paghahanda para sa kanyang audition sa Binibining Calabari.

Samantala, bukod kay Rayver, si Ashley Ortega ang isa pa ring artista na bagong mapapanood sa Sanggang-Dikit FR.

Ipinapalabas ang Sanggang-Dikit FR weeknights, 8:50 p.m., pagkatapos ng Encantadia Chronicles: Sang'gre sa GMA at Kapuso Stream. May delayed telecast din ito sa GTV sa oras na 10:30 ng gabi.

RELATED CONTENT: LOOK: Rayver Cruz's 'pogi' photos that will make you 'kilig'