GMA Logo Sinagtala
Source: mattlozanomusic/IG
What's on TV

Rayver Cruz, Matt Lozano share what 'Sinagtala' means for them

By Kristian Eric Javier
Published March 19, 2025 6:08 PM PHT

Around GMA

Around GMA

'One Battle After Another' leads Hollywood's Golden Globe nominations
6 hurt in 'festi-brawl' in Roxas City, Capiz
A festive beauty pop-up opens in the South just in time for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

Sinagtala


Alamin ng ibig sabihin ng 'Sinagtala' para kina Rayver Cruz at Matt Lozano.

Bibida sa upcoming musical movie na Sinagtala sina Kapuso stars Rayver Cruz at Matt Lozano. Sa pagbisita nila sa Fast Talk with Boy Abunda, ibinahagi ng dalawang aktor kung ano para sa kanila ang ibig sabihin ng "sinagtala."

Para kay Rayver Cruz, ang ibig sabihin nito ay isang guiding light, mga taong importante sa buhay ng isang tao na magtatama ng buhay nila. Ayon sa aktor, ito ang sitwasyon ng kaniyang karakter na si Reggie.

“Bilang Reggie, si Reggie kasi nawala sa landas niya e. 'Yun 'yung struggle niya sa buhay niya, parang kinain siya ng fame niya dahil rockstars kami dito. And then 'yung struggle ko, nawala ako sa landas, 'yung struggle ko with my daughter, broken family, so kinailangan kong iangat 'yung sarili ko,” pagbabahagi ni Rayver.

Kuwento ng actor-dancer, ang naging sinagtal niya sa pelikula ay ang Panginoong Diyos, at ang banda nila na aniya, may kaniya-kaniyang purpose sa pelikula.

RELATED CONTENT: BALIKAN ANG KAPUSO SINGERS NA KILALA RIN BILANG ACTORS SA GALLERY NA ITO:

Ayon naman kay Matt Lozano, ang sinagtala para sa kaniyang karakter na si Isko ay iyong nagsisilbing liwanag sa dilim, lalo na at marami umano itong struggles sa pelikula.

“Lalo na sa character ko dito, si Isko, grabe 'yung struggle niya kasi hindi siya tanggap ng tatay niya,” sabi ni Matt.

Ang Sinagtala ay isang musical film na pagbibidahan nina Rayver, Matt, Glaiza de Castro, Rhian Ramos, at Arci Muñoz, at idinerehe ni Mike E. Sandejas.

So official Instagram account ng pelikula, ibinahagi nila tungkol dito, “Get ready to witness a journey of passion, friendship, and the fight to keep the music alive. Will they rise above the challenges, or will their harmony fade away?”

Mapapanood na ang Sinagtala sa April 2.