GMA Logo Rayver Cruz song for Julie Anne San Jose
SOURCE: Philtranco (Facebook)
What's on TV

Rayver Cruz, may ilalabas na kanta bago ang Valentine's Day na inspired ni Julie Anne San Jose

By Kristian Eric Javier
Published February 12, 2026 3:28 PM PHT

Around GMA

Around GMA

SB19 announces ticket prices, selling dates for 'Wakas at Simula: The Trilogy Concert Finale'
Philtranco to cease operations after more than 100 years
7 Chinese nabbed for alleged illegal mining in Bukidnon

Article Inside Page


Showbiz News

Rayver Cruz song for Julie Anne San Jose


Isang musical Valentine gift ang regalo ni Rayver Cruz kay Julie Anne San Jose, at sa kaniyang fans.

Mas espesyal ang araw ng mga puso ngayong taon para sa celebrity couple na sina Rayver Cruz at Julie Anne San Jose dahil may ilalabas na kanta ang aktor na inspired ng kaniyang “mahal.”

Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Miyerkules, ibinahagi ni Rayver na ilalabas niya ang kaniyang awitin na may titulong “Dust of the Universe” ngayong February 13, isang araw bago ang Valentine's Day.

“Isang malaking inspirasyon po sa 'kin talaga si Julie Anne San Jose pagdating sa music, and hindi ko lang siya mahal, isa rin siya sa mga iniidolo ko,” sabi ni Rayver.

Pagbabahagi pa ng pinakabagong Dance Authority ng Stars on the Floor, si Julie rin ang nag-udyok sa kaniyang ilabas ang isinulat na awitin sa publiko.

“So nu'ng narinig po niya 'yung song, sabi niya, 'Love, i-release mo.' so ayun po. The song is made by my coach, Arnie Mendaros, and then self-produced lang din po, Tito Boy,” sabi ni Rayver.

KILALANIN ANG ILANG KAPUSO STARS NA MAY ITINATAGONG TALENTO SA PAGTUGTOG NG MUSICAL INSTRUMENTS SA GALLERY NA ITO:

Matatandaan na mula sa pagiging isang magaling na dancer at aktor, sumabak na rin si Rayver sa pagtugtog ng musical instruments at pagkanta. Sa isang panayam, sinabi ng dancer-actor na si Julie rin nag nag-ignite ng kaniyang passion para sa music.

“Nakatulong siyang magbigay sa akin ng kumpiyansa, especially kapag kasama ko siya. 'Yun kasi ang wala sa akin, 'yung kumpiyansa. Iba 'yung kumpiyansa ko pagdating sa pagsasayaw, kapag umaarte ako. Iba rin ang kumpiyansa ko kapag kumakanta. Siya mismo 'yung isang nagpu-push sa akin na, 'Kumanta ka nang kumanta kasi marunong ka naman and nandoon ang boses,'” sabi ni Rayver.

Ilang ulit rin ipinamalas ni Rayver ang galing sa pagtugtog ng gitara sa mga post niya ng guitar solos sa kaniyang Instagram page. Lalong nakita rin ang galing ng aktor sa larangan ng musika sa pelikulang Sinagtala na pinagbidahan niya kasama sina Glaiza De Castro, Matt Lozano, Rhian Ramos, at Arci Munoz.